Maja Salvador does not regret loving Gerald Anderson: “Hindi ako puwede mag-regret kasi naging masaya naman ako.”

Wala raw pinagsisisihan si Maja Salvador sa pagmamahal nito kay Gerald Anderson, kahit na nasaktan noong mga panahong yun ang best friend niyang si Kim Chiu. Kung alam lang daw niya ang kanyang mga magiging pagpipilian pagdating ng araw, baka raw lumihis siya ng landas.


Malaya nang nagkukuwento ngayon si Maja Salvador tungkol sa naging paghihiwalay nila ni Gerald Anderson.

Sa nakaraang interviews nito, sinabi ng Kapamilya actress-singer na suportado niya ang ex-boyfriend sa mga gusto nitong ayusin sa kanyang buhay.

Read: Maja Salvador on breakup with Gerald Anderson: "Hindi ko alam kung ano talaga yung rason niya."

Sa panayam naman ni Kris Aquino kay Maja sa episode ng Kris TV ngayong araw, May 20, sinabi nitong wala siyang pinagsisisihan sa naging desisyon niya dalawang taon na ang nakalipas.

Ito ay ang pagsagot niya kay Gerald upang maging nobyo, kahit alam niyang masasaktan ang best friend niyang si Kim Chiu, na ex-girlfriend naman ng aktor.

Saad ni Maja, “Siyempre, hindi mo naman maibabalik ang kahapon.

“Sa mga nangyayari, wala rin naman akong niri-regret, kasi ginusto ko naman kasi...

"Nagmahal at minahal din naman ako, ‘di ba?"

Pero kung sakaling alam daw niya ang mangyayari sa hinaharap, baka iba ang naging desisyon niya.

Saad pa ng Bridges of Love star, “Pero kung ang iisipin natin ay yung hindi ako masasaktan, hindi masasaktan yung kaibigan ko [Kim], hindi siya [Gerald] masasaktan, kung may choices nun, siguro gaganun ako, lilihis ako.

“Pero alam mo yun, hindi ako puwede mag-regret, kasi naging masaya naman ako e.”


ON RENEWED FRIENDSHIP WITH KIM. Bukambibig na rin ni Maja na masaya siya sa muling panunumbalik ng pagkakaibigan nila ni Kim.

“Okay kami,” sambit ng 26-year-old Kapamilya actress.

Nakadagdag pa raw ng saya ni Maja ang pag-aalala ni Kim nang pumutok ang balitang hiwalay na sila ni Gerald.

Read: Maja Salvador feels good being on good terms with Kim Chiu and Sarah Geronimo

Ganun naman daw talaga ang magkakaibigan at ipinagpasalamat niya ito sa kapwa kasamahan sa ASAP 20.

Tinanong din ni Kris si Maja kung may maituturing ba itong ‘still the one’ sa mga naging nakarelasyon niya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Hindi kasi ako ano, e... pag tapos na yung journey ko sa tao na yun, parang okay na.”

Handa na ba siyang mag-entertain ng mga bagong manliligaw?

Tugon ni Maja, “Ready akong makipag-text. Textmate. Kahit may magyaya, wala ring chance, e.”

Ang mga ugali raw na hinahanap niya sa lalaki ay "marespeto, mabait sa pamilya, at may sense kausap."

Sa ngayon, sa trabaho muna raw naka-focus si Maja.

Pero hindi naman daw niya isinasara ang kanyang puso na magmahal muli.

Deklara pa niya, “Hindi, a, ang sarap kayang umibig!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN