Cesar Montano, rumored girlfriend Sandra Seifert spotted at Ellen show in U.S.

Cesar Montano and rumored girlfriend Sandra Seifert were spotted at the audience of The Ellen Degeneres Show amidst persistent rumors about her pregnancy.


Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang direktang kumpirmasyon sina Cesar Montano, 52, at Sandra Seifert, 31, tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kasabay nito ay patuloy pa rin ang espekulasyon kaugnay ng isyung nabuntis diumano ni Cesar ang dating beauty queen.

Read: Beauty queen Sandra Seifert pregnant with Cesar Montano's child?

Sa kabila ng pag-iwas nila sa isyu, namataan ang rumored couple na magkasamang nanood ng The Ellen DeGeneres Show sa Burbank, California, nitong nakaraang May 26.

Base ito sa ipinadalang mga larawan nina Cesar at Sandra ng isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, May 29.

Dito ay makikitang nasa loob ng studio ng naturang American talk show sina Cesar at Sandra kasama ng iba pang audience members.

Masayang pumapalakpak si Sandra habang pinapanood si Ellen, na tiyempong nakapuwesto malapit sa dating Miss Philippines Earth.

Kaugnay nito, malinaw na nanatili pa rin ang rumored couple sa U.S. mula nang una silang mamataan sa training camp ni Manny Pacquiao sa Los Angeles noong huling bahagi ng April.

Magkasama rin umanong nanood sina Cesar at Sandra ng mismong laban ni Manny at ni Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas noong May 2.

Taliwas ito sa espekulasyong lumipad si Sandra patungong Italy upang doon pansamantalang mamalagi, kasama ang nakatatandang kapatid ni Cesar na si Marimer Hamilton.

Base sa ulat ng PEP noong May 11, mayroong usap-usapan na diumano’y plano ni Sandra na manatili ng Italy hanggang sa maipanganak niya ang anak nila ni Cesar.

Read: Sandra Seifert now in Italy with Cesar Montano’s sister?


CESAR NEITHER CONFIRMS NOR DENIES SANDRA’S RUMORED PREGNANCY. Nang makarating kay Cesar ang tungkol sa isyung nabuntis niya si Sandra, nagbigay ng pahayag ang action star, ngunit hindi nito direktang pinabulaanan ang kinasasangkutang kontrobersiya.

Pahayag ni Cesar sa column ni Dolly Anne Carvajal sa Philippine Daily Inquirer noong May 18: “Maybe the rumor-monger is the one who’s pregnant.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Cesar Montano on Sandra Seifert's rumored pregnancy: “Maybe the rumor-monger is the one who’s pregnant.”

Maging si Sandra ay hindi tuwirang kinumpirma o pinabulaanan ang tungkol sa pagkakaugnay niya kay Cesar nang makapanayam siya ng TV Patrol noong unang linggo ng Mayo.


CESAR’S ONGOING LEGAL BATTLE WITH SUNSHINE. Sa kabilang banda, minsan nang nahingan ng reaksiyon ang estranged wife ni Cesar na si Sunshine Cruz tungkol sa rumored affair ng aktor kay Sandra.

Maiksing sagot ng 37-year-old Kapamilya actress ukol dito: “It’s really not my business anymore. If he's happy, good for him.”

Read: Sunshine Cruz on Cesar Montano's rumored affair with Sandra Seifert: “If he's happy, good for him.”

Sa kasalukuyan, nahaharap si Cesar sa kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act (VAWC) na isinampa laban sa kanya ni Sunshine.

Kaugnay ito ng pisikal na pang-aabuso na diumano’y tinamo ni Sunshine mula kay Cesar noong “July 2009,” “January 2013,” at “May 12, 2013.”

Read: Cesar Montano charged with physical abuse by QC court

Bukod dito ay nagsampa rin si Sunshine ng isa pang VAWC complaint laban kay Cesar kaugnay ng diumano’y kabastusang ginawa ng aktor sa harap ng tatlong menor de edad nilang anak na babae.

Matatandaang sinubukan ni Cesar na makipag-ayos sa pamamagitan ng pag-offer niya kay Sunshine na sila ay sumailalim ng isang compromise agreement noong Pebrero.

Ngunit tinanggihan ito ni Sushine at nilinaw na walang kaugnayan ang VAWC complaints na inihain niya laban kay Cesar at sa usapin tungkol sa paghahati ng kanilang conjugal properties.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN