Freddie Aguilar and daughter Maegan reconcile

Natapos na rin ang alitan sa pagitan ng mag-amang Freddie at Maegan Aguilar . Pumunta si Maegan at ang kanyang dalawang anak sa bahay ni Ka Freddie at misis nitong si Jovie noong June 1, Lunes, at dito na winakasan ng dalawa ang kanilang alitan.


Eksklusibong nakunan ng Startalk ng GMA Network ang pagbabati ng mag-amang Freddie at Maegan Aguilar.

Nangyari ang pagbabati ng mag-ama sa tahanan ni Freddie sa Fairview, Quezon City, noong June 1, Lunes.

Nabanggit ni Maegan sa kanyang nakaraang interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na inihahanda niya ang sarili na makipag-ayos sa kanyang ama. Naghihintay lang daw siya ng tamang panahon.

Read: Maegan Aguilar now open for reconciliation with dad Freddie Aguilar

At naganap na nga ang pagbabati nilang mag-ama.

Nakausap ng Startalk si Meagan bago siya pumunta sa tahanan ng ama, bitbit ang dalawa niyang anak.

Inamin ng singer-actress na nandiyan pa rin ang tampo niya sa kanyang ama, pero maisasantabi raw niya ito dahil kailangan na niyang makipag-ayos.

“Siyempre may sakit pa rin, hindi mo naman maiiwasan yun, 'di ba?

“Nandiyan yung pain, kasi siyempre nawalan kami ng pamilya. Nawalan kami ng bahay.

"Ngayon, itataguyod ko yung pamilya kong mag-isa. Wala akong katuwang sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang hirap kasing mag-focus sa future, 'di ba? Ang bigat ng sama ng loob."

Hiwalay na si Maegan at ang kanyang dating live-in partner na ama rin ng kanyang mga anak.

Read: Maegan Aguilar beaten by live-in partner as a "parting gift"

Kinukulit na rin daw siya ng kanyang mga anak na gusto nilang makita ang kanilang lolo.

Isa rin daw iyon sa dahilan kung bakit nagpakumbaba na siyang lumapit sa kanyang ama at humingi ng tawad.

THE REUNION. Bago dumating si Maegan sa kanyang tahanan, nakausap din ng Startalk si Freddie at sinabi nitong wala na siyang tampo sa anak.

“Ang tawag diyan, more of misunderstanding yung nangyari,” pakli ng 62-year-old music icon.

Dagdag ni Ka Freddie, “Hindi niya nakuha yung mensahe na gusto kong i-relay, tapos nag-react siya, tapos nag-decide siya na umalis siya.

"Ganun ang nangyari dun.

“But later on, everything was understood.

“Anyway, maganda naman yung nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-decide siyang mag-solo, which I think nakabuti sa kanya dahil mas lalo siyang matututo sa buhay niya."

Bahagyang nagulat si Ka Freddie nang dumating na si Maegan kasama ang dalawa nitong anak.

Hindi napigilan ni Maegan na maiyak nang lumapit sa kanyang ama.

Niyakap ni Freddie ang dalawa niyang apo, at niyakap naman si Maegan ng asawa ng "Anak" singer na si Jovie Gatdula-Aguilar.

FORGIVENESS. Pagkatapos nito ay humingi ng patawad si Meagan sa kanyang ama.

Sabi ni Maegan, “Nagsu-sorry po ako.”

Sagot ni Freddie, “Sinasabi ko naman, hindi mo pa nagagawa, e, pinapatawad na kita.

“Kaya lang, ang isang tatay, kailangan masunod ang kanyang rules and regulations sa bahay.

“Ewan ko kung nakakalimutan ko, pero noon pa lang sinasabi ko na sa ‘yo ‘yan.

“Anak, hindi puwedeng merong isang hindi sumunod sa rules and regulations.

“Kasi pagka may ganyan isa 'kakong humiwalay, hindi na ako igagalang ng mga kapatid mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sisira na yun sa rules sa loob ng bahay.

“Pero hindi ko maiaalis sa ‘yo na minsan makalimutan mo sa dami ng pressure mo sa buhay.

"Ganyan, katulad niyan, may dalawang maliit kang inaalagaan, ito makukulit…"

Nakangiting singit naman ni Maegan, “At matatakaw pa.”

MAEGAN & JOVIE. Ang isa pang magandang pangyayari sa pagbabating iyon ay ang pagkakasundo ni Maegan at ng asawa ng kanyang ama na si Jovie.

Nakangiting pahayag ni Maegan para kay Jovie, “Mukha namang alagang-alaga si Tatay dahil tumaba rin, parang ako.

“Thank you, pero siguro nangyari yung mga nangyari dati, para rin siguro maitaguyod yung pagiging wife mo sa bahay ni Tatay, 'di ba?

“Lahat may rason. Lahat may purpose.

"Pero siyempre, yung sa atin, 'di ba, yung pagkakagulo, ayaw ko pong patagalin pa, kasi hindi mabuti para sa amin.

“Malungkot din kami na nahiwalay din kami sa inyo.

"Siyempre gusto kong makita ni Tatay na lumaki sila [her children]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento naman ni Freddie na ang asawa niyang si Jovie ang pinakamasaya kapag dinadala sa kanila ang dalawang anak ni Maegan.

Gustung-gusto na nga raw nilang sila na ang mag-alaga sa dalawang bata.

Aware naman daw si Maegan na minsan ay dinadala ang dalawang anak niya sa kanilang lolo.

REALIZATIONS. Ang natutunan daw ni Maegan sa pangyayaring ito ay dapat manatili ang pagmamahal at pagpapatawad sa kanyang puso.

“Above all, love matters. Forgiveness also.

“If love and forgiveness, 'di ba, resides in my heart…

“I will not deny that I missed my Tatay. I missed being in this house.

“I want to know her [Jovie] better, 'di ba?

"And of course, yung mga anak ko, gusto ko lumaki sila with the lolo," seryosong pahayag ng 36-anyos na singer.

Sabi naman ni Ka Freddie, “Wala akong inaano sa mga anak ko.

“My children are brought up na binigyan ko sila ng choice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maliit pa lang ‘yan, pagdating ng wastong edad nila na nakakaintindi na sila sa pakikipag-usap, kinakausap ko sila as adult.

"At lagi kong tinatanong sa kanila kung 'Ano ba ang gusto mo paglaki mo?'

“'Yang si Maegan, pinili niya sa showbiz.

"Sabi ko, 'Sige, pagbibigyan kita, 'yan ang masusunod, pero ganito ang mangyayari sa ‘yo.'

“Tapos, pinili din niyang hindi tapusin ang pag-aaral niya.

"Sinabi ko rin sa kanya, 'Pag hindi mo tinapos ‘yan, mamumroblema ka later on.

“'Pag bumalik ka sa akin, hindi na kita susuportahan, kasi 'pag sinuportahan kita, yung mga kapatid mo, hindi na maniniwala sa akin.'

"Ang nangyari, sinunod niya ang gusto niya."

Patuloy ng legendary singer, “Walang magulang na hindi magmamahal sa kanilang supling.

“Kahit po maghigpit ang magulang ninyo minsan, imposible yung gusto nilang mangyari sa inyo, hindi kayo makahinga, pero yun ang senyales na pagmamahal ng isang magulang.

“Bilang isang anak din, nagdaan din po ako sa pakikipag-away namin ng tatay ko noong araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Balansehin po ninyo.

"Sa palagay n'yo kaya mas mabubuhay ka nung kasama n'yo yung mga barkada dahil masarap, puro party, puro happenings, puro chill?

“Kailangan po ng gabay ng inyong mga magulang.

"Kung walang gabay ng mga magulang, maliligaw po kayo nang tuluyan."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close