KC Concepcion posts bonding moments with stepdad Kiko Pangilinan and sister Frankie on IG, but where is her Megastar mom?

KC Concepcion’s followers and fans are hoping that she will soon kiss and make up with mom Sharon Cuneta. KC recently confirmed in an interview that she and her mom have a misunderstanding, but refused to go into details.


Nag-post si KC Concepcion sa Instagram ng bonding moments kasama ang kanyang pamilya, partikular na ang stepfather niyang si Secretary Kiko Pangilinan at nakababatang kapatid na si Frankie.

Kahapon, June 16, Martes, sunud-sunod ang pag-post ni KC sa Instagram ng pamamasyal nila ng kanyang stepdad sa kanilang family farm.

Matatagpuan ang nasabing organic farm, ang Sweet Spring Country Farm, sa Tagaytay City.

Nag-post din si KC nitong Miyerkules, June 17, ng larawan nila ni Kiko na magkayakap sila.

Caption ni KC sa nasabing larawan: "Good times from yesterday's @sweetspringfarm lunch trip w/ @kiko.pangilinan."

Taglay rin ng caption ang mga sumusunod na hashtags: “#THANKYOU” “#DadDaughterDay” at “#FamilyFarm.”

Good times from yesterday's @sweetspringfarm lunch trip w/ @kiko.pangilinan 💚 #THANKYOU #DadDaughterDay #FamilyFarm

A photo posted by KC Concepcion (@thisiskcconcepcion) onJun 16, 2015 at 8:36pm PDT

Ipinost din ni KC ngayong Miyerkules ang pagpi-FaceTime nila ng kanyang nakababatang kapatid na si Frankie.

I only FaceTime goofs like me. 😜 #LittleSis

A photo posted by KC Concepcion (@thisiskcconcepcion) onJun 16, 2015 at 8:52pm PDT

KC AND THE MEGASTAR. Pero sa lahat ng pagbibida ni KC sa netizens, tila nawawala ang megastar niyang ina sa picture.

Nitong Hunyo ay lumabas ang balitang nagkaroon ng tampuhan si KC at ang kanyang inang si Sharon Cuneta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging vocal ang Megastar sa social media tungkol sa nangyaring tampuhan nila ng kanyang panganay na anak, at sinabing malalim ang pinag-ugatan nito ngunit pinili niyang huwag na itong idetalye.

Read: Sharon Cuneta on gap between her and daughter KC Concepcion: "I wish all this was just about sexy poses."

Kinumpirma ito ni KC sa hiwalay na interview, pero pinili rin niyang huwag nang ungkatin pa ang isyu.

Read: KC Concepcion confirms rift with mom Sharon Cuneta

Nitong Linggo, June 14, nag-post sa kanyang Facebook account si Sharon ng larawan ng dalawang anak nila ni Kiko, sina Frankie at Miel, kung saan nakasulat sa glass window sa kanilang likuran ang initials ni KC.

Ang caption sa nasabing larawan: “We all feel incomplete because we are...Missing Ate..”

Halos ganito rin ang larawan sa Instagram post ni Kiko sa kanyang Instagram account.

Ang caption: “My 3 girls all complete (?) in one picture. We miss you Ate Tina.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

My 3 girls all complete (?) in one picture. We miss you Ate Tina.

A photo posted by Kiko Pangilinan (@kiko.pangilinan) onJun 13, 2015 at 7:49pm PDT

May mga followers naman si KC na nagkomento na umaasa silang magkaayos na ang mag-ina at sila naman ang susunod na magba-bonding.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close