Dingdong Avanzado reveals Isabelle Daza has apologized for using #siquiWhores on Instagram

Siquijor Vice Governor Dingdong Avanzado urges residents of Siquijor to accept Isabelle Daza’s apology following her offensive hashtag on Instagram. But at press time, the Kapamilya actress has yet to release an official statement regarding the issue.


Humihingi ng dispensa si Isabelle Daza sa mga residente ng lalawigan ng Siquijor kung nasaktan man ang mga ito dahil sa kanyang kontrobersiyal na hashtag sa Instagram.

Base ito sa opisyal na pahayag ni Siquijor Vice Governor Dingdong Avanzado, na makikita sa kanyang Instagram account ngayong Miyerkules, June 17.

Nakapag-usap na sina Vice Governor Avanzado at Isabelle, kung saan nilinaw umano ng Kapamilya actress na wala siyang masamang intensiyon sa paggamit ng #siquiWhores sa caption ng larawan niya na kuha sa nabanggit na probinsiya.

Bunsod nito, umaasa ang bise-gobernador na tanggapin ng mga residente ng Siquijor ang paghingi ng dispensa ni Isabelle.

Narito ang kabuuang pahayag ni Vice Governor Avanzado hinggil sa isyu:

“Actress Isabelle Daza has already explained that the hashtag #siquiWhores was merely “a joke” and is a “term of endearment” between her and her cousins.

“Likewise, she apologized to the people of Siquijor who may have been offended by such a term.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I encourage the netizens and the people of Siquijor to accept her apology, move on, and focus our time and efforts on more important concerns that our nation faces today.”

Kasunod ito ng apela ni Vice Governor Avanzado na nais niyang direktang makausap si Isabelle upang bigyang-linaw ang reklamo ng mga residente ng Siquijor.

Read: Siquijor Vice Governor Dingdong Avanzado reacts to Isabelle Daza's #siquiWhores

Ito ay sa kadahilanang inalmahan ng netizens ang pag-ugnay ng isang hindi magandang salita sa lalawigan ng Siquijor, lalo pa’t posibleng makaapekto ito sa reputasyon ng mga residente doon.

Sa kabilang banda, wala pang direktang pahayag si Isabelle kung saan pormal siyang humihingi ng dispensa hinggil sa isyu.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close