Julia Barretto changes her mind about changing her surname: "No need to change my last name."

Julia Barretto neither confirms nor denies reconciliation of mom Marjorie and aunt Claudine. She says, “I can’t answer questions not about me. Ayaw kong makialam po, nakakahiya.”


Matapos ang pagkakaayos nila ng kanyang amang si Dennis Padilla, nagdesisyon si Julia Barretto na huwag nang ituloy ang plano niyang papalitan ang kanyang apelyido.

Sa press conference na inihanda para sa kanyang nalalapit na ika-18 kaarawan, na ginanap ngayong Miyerkules ng tanghali, March 4, inihayag ni Julia ang pagbabago ng kanyang isip.

“Wow! We really haven't really talked about it as a family.

“Pero okay, this is the first time I'm speaking about it, that I made a decision, and I'm actually sharing it first with you guys.

“I feel that right now, there's really no need to change my last name.

“No need anymore to change my last name,” saad ni Julia.

Matatandaang naging mainit na isyu noong 2014 ang paghahain ng petisyon ni Julia sa korte na palitan ang kanyang apelyido mula Baldivia sa Barretto.

Ang Baldivia ay ang tunay na apelyido ng ama ni Julia na si Dennis Padilla, at Barretto naman ang apelydio ng ina ng young actress na si Marjorie.

Nang lumabas ang balitang nagkaayos na sila ng kanyang ama, marami ang naghinalang ginawa lamang ito ng Kapamilya young actress para sa publicity.

Read: PEP SCOOP. Julia Barretto makes first move to reconcile with dad Dennis Padilla

Halatang nadismaya naman si Julia sa ganitong pag-iisip ng publiko tungkol sa kanyang ginawang pakikipag-ayos sa ama.

Saad niya, “How can they even think that way, honestly?

“How can they even think that a young child wants to get everything okay again with her own father just for publicity?

“I can't even embrace that thought. Pero it's very false.

“He's my dad, why wouldn't I want to be okay with my dad?

“Why wouldn't I want to be okay with my dad and have him there kasi it's my special day?”

Paglilinaw pa niya, “I made things up with him because I want to be okay with my own father, not for everybody.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panayam ni Dennis sa programang Aquino and Abunda Tonight, nabanggit niyang handa siyang pumayag sa plano ni Julia na palitan ang kanyang apelyido kung personal na sasabihin ng anak na gusto niya ito.

Read: Dennis Padilla softens up on daughter Julia Barretto; confirms attendance to her debut

Reaksiyon dito ni Julia, “But he's also a father, I don't believe that if I do that, he'll be happy.

“Clearly, he's not happy.

“As a daughter, too, not for anything, why will I do anything to make my father unhappy?”

Read: Dennis Padilla softens up on daughter Julia Barretto; confirms attendance to her debut


PURPOSE OF HER DEBUT. Samantala, sinubukang iwasan ni Julia ang mga tanong tungkol sa hindi pagkakaunawaan ng kanyang ina na si Marjorie at mga tiyahin na sina Claudine at Gretchen Barretto.

Kamakailan, may bali-balitang nagkaayos na sina Marjorie at Claudine.

Read: Are Marjorie and Julia reaching out to Claudine Barretto?

Nang subukang kumpirmahin ito ng entertainment press kay Julia, ngumiti lamang siya at sinabing, “To be answered by Ms. Claudine Barretto and Marjorie Barretto themselves.”

Katuwiran niya, “I can't answer questions not about me. Ayaw kong makialam po, nakakahiya.”

Gayunman, hiniling na Julia para sa kanyang kaarawan ang pagkakaayos ng mga magkakapatid na Barretto.

“Sana lahat na. Huwag na tayong pumili ng isa lang para complete na kami, happy na kami,” sabi niya.

Nang tanungin kung posibleng maging tulay siya para mangyari ito, ang maiksing sagot ng dalaga: “I want to believe that that's the purpose of my debut.”

Ayon kay Julia, personal niyang inimbitahan ang mga kapamilya niya; kabilang na sina Claudine, Gretchen, at kanyang lolo at lola.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN