Julia Barretto posts cryptic message on Instagram; asks mom Marjorie to “stay with me”

Julia Barretto asks mom Marjorie to “stay with her,” Marjorie assures to stand by daughter “all the way.”


Maiksi ngunit makahulugan ang Instagram post ni Julia Barretto nitong Huwebes ng gabi, June 25.

Pero hindi nagdetalye ang Kapamilya young actress kung ano ang pinaghuhugutan niya.

Sa nasabing post, makikita ang medyo madilim na larawan, pero maaaninag na niyayakap siya ng inang si Marjorie Barretto habang pareho silang nakahiga.

Ang tanging caption ng nasabing post: “Only we know Momma... Stay with me.”

Only we know Momma... Stay with me.

A photo posted by JULIA (@juliabarretto) onJun 25, 2015 at 10:02am PDT

Kaugnay ng IG post na ito ni Julia, marami sa mga nag-comment ang nag-isip na ang post niyang ito ay may kinalaman sa petisyon ng kampo ng Star Magic artist na tanggalin sa kanyang pangalan ang apelyidong Baldivia, na tunay na apelyido ng ama niyang si Dennis Padilla.

Nitong Martes, June 23, lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panayam ni Dennis, kung saan sinabi niyang hindi pa rin iniuurong ni Julia ang petisyong hindi na dalhin ang apelyido ng ama.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng young actress sa isang presscon noong Marso na hindi na niya ito itutuloy.

Read: Dennis Padilla still waiting for daughter Julia Barretto to withdraw petition to change surname

Related article: Julia Barretto changes her mind about changing her surname: "No need to change my last name."

Bagamat sinabi ni Dennis na maayos naman ang relasyon niya sa kanyang mga anak kay Marjorie, inamin niyang hindi madalas sumasagot ang mga anak kapag nagti-text siya sa mga ito.

Nitong Father's Day, binati pa ni Julia ang ama sa kanyang Instagram account.

Samantala, nag-comment naman si Marjorie sa post ni Julia.

Sagot ni Marjorie: “All the way Jul... I'm with you all the way [heart].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN