Nonie and Shamaine Buencamino want to mourn daughter Julia’s passing in private

Labis na nasasaktan ang mga damdamin ng mga naulila ni Julia Buencamino dahil daw wala man lang itong pahiwatig na may dinadala itong problema or may itinatagong kalungkutan upang kitilin nito ang sariling buhay. Kagabi, July 7, natagpuang nagbigti si Julia sa loob ng kaniyang kuwarto.


Ikinalungkot ng mga nakakakilala at malalapit kay Julia Buencamino ang kanyang biglaang pagkamatay dahil wala naman daw senyales na may iniinda o itinatago siyang mabigat na problema bago niya tapusin ang sariling buhay.

Si Julia, 15, ang bunso sa apat na anak ng mahuhusay na aktor na sina Nonie at Shamaine Buencamino; ang iba pang mga kapatid ni Julia ay sina Delphine, Gorio, at Jose.

Si Julia, gaya ng kanyang mga magulang, ay isa ring artista.

Kabilang siya sa daytime soap ng ABS-CBN na Oh My G!, kung saan ginampanan niya ang papel ng best friend ng lead star nitong si Janella Salvador.

Si Julia ay nagpatiwakal, sa pamamagitan ng pagtali ng nylon cord sa kanyang leeg, sa loob ng kanyang kuwarto.

Nangyari ang insidente sa kanilang tahanan sa Corinthian Gardens, Quezon City, Martes ng gabi, July 7.

Read: 15-year-old daughter of Nonie and Shamaine Buencamino commits suicide

Labis ding ikinalungkot ng mga kasamahan ni Julia sa trabaho ang kanyang biglaang pagpanaw.

Read: Janella Salvador, Marlo Mortel shocked and saddened by Oh My G! co-star’s suicide

Read: Maris Racal mourns Oh My G! co-star Julia Louise Buencamino's death


TO CELEBRATE HER LIFE IN PRIVATE. Sa pamamagitan ni Ricky Gallardo, ang manager nina Nonie at Shamaine, nagpadala ang pamilya Buencamino ng official statement sa media tungkol sa pagyao ni Julia.

Hangad ng pamilya Buencamino na maging pribado ang kanilang pagdadalamhati.

Nagpasalamat din sila sa lahat ng pagmamahal at dasal para sa kanilang yumaong anak.

Narito ang buong pahayag ng pamilya Buencamino:

“We are deeply saddened to announce the death of our beloved daughter Julia Buencamino.

“We would like to make a firm request to allow us to mourn her passing in private.

"We make this appeal for privacy also on behalf of those close to us, who wish to remember Julia and celebrate her life in peace and quiet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We thank you for your love, understanding, and prayers of support during this time of profound grief.

"Julia led a beautiful and blessed life, and she will be fondly remembered and terribly missed by her family and friends."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN