Julia Barretto backs James Reid’s denial about their alleged date; answers issues thrown by dad Dennis Padilla

Julia Barretto appeals to JaDine fans who pummel her with unkind words: "Kaming mga iniidolo nila, kaming mga iniiwanan ng mga comments sa Instagram, sa Twitter, tao lang kami. Nasasaktan kami sa mga binabato nilang salita. Huwag quick to judge... masakit ang mga binibitawan nilang salita.”


Nagsalita na si Julia Barretto tungkol sa balitang nakita silang magkasama ni James Reid sa isang coffee shop na sweet at naghahalikan pa raw.

Nauna nang itinanggi ni James ang balita sa isang panayam, kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Julia sa studio ng ASAP 20 kahapon, July 12, ay kinuha namin ang kanyang panig tungkol dito.

Read: James Reid denies coffee date with Julia Barretto

Pahayag ni Julia, “Yun nga, I heard that James has spoken about the issue already.

"I feel like we should take it from there, move on."

Dahil sa balitang nag-uugnay kina Julia at James ay naging sentro ng batikos ang young actress, partikular na mula sa fans ng tambalan ng young actor at ni Nadine Lustre o ang Jadine fans.

Kaya ngayong itinanggi na ni James ang balita, ayon kay Julia, “Sana nakuha na ng bashers, ng mga tao na worried yung peace of mind, kasi nasagot na naman niya yung issue.

“Take it from there, move on na tayo, and focus na tayo sa mga work natin.

“Naging kaibigan ko silang lahat dahil sa Hopeless Romantic," pagtukoy pa niya sa pinagsamahan nilang pelikula.

Pero aminado si Julia na nasaktan siya sa mga batikos na ibinabato sa kanya.

“Siyempre, ako din, nasaktan ako sa bashers, kasi wala namang proof sa mga nasasabing rumors.

“I always say, kaming mga iniidolo nila, kaming mga iniiwanan ng mga comments sa Instagram, sa Twitter, tao lang kami.

“Nasasaktan kami sa mga ibinabato nilang salita.

“Sana next time, matuto yung mga tao na mag-handle ng mga situations na ganito with more grace.

“Huwag quick to judge kasi masakit din yung mga nabibitawang salita.

“Mahirap din naman… aaminin ko, masakit ang mga binibitawan nilang salita.”

Muli ring iginiit ni Julia na hindi sila nag-date o lumabas ni James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DENNIS PADILLA. Hindi rin itinago ni Julia na nasaktan siya sa patuloy na pagpapa-interview ng kanyang ama na si Dennis Padilla tungkol sa kanilang isyu.

Muli kasing nabuhay ang isyu sa pagitan nila nang sabihin ni Dennis na hindi pa rin inuurong ni Julia ang petisyon nitong tanggalin sa kanyang pangalan ang apelyidong Baldivia, na siyang tunay na apelyido ng character actor.

Read: Dennis Padilla still waiting for daughter Julia Barretto to withdraw petition to change surname

Ito ay sa kabila ng pahayag ni Julia noon na iwi-withdraw na niya ang petisyong ito.

Read: Julia Barretto changes her mind about changing her surname: "No need to change my last name."

Hindi man nag-elaborate tungkol sa inihain niyang petition, pero sinabi ni Julia na may ginawa siya taliwas sa iniisip ng kanyang ama.

“May ginawa naman ako about it, sa totoo lang nag-stick talaga ako sa word ko.

“Pero hindi kasi ako mahilig mag-spill ng mga problemang pamilya kasi hindi tama na ibinu-broadcast.

“Ang sa akin lang, there’s so much more to the story.

"Alam naman natin yung sinasabi nila na there are always two sides to every story.

“Ako, pinipilit ko talaga personally not to speak about the issue kasi usapang pampamilya, e.

“Pag usapang pamilya, hindi dapat ‘yan binu-broadcast sa publiko para mapag-usapan.

“Dapat kung aayusin, dapat sa amin na lang, ‘di ba?

“Ano naman kasi ang maitutulong at maidudulot yung pagse-share pa sa publiko?"

Dagdag ni Julia, “Love ko yung Papa ko, pero bilang anak, nasaktan din ako.

"Parang feeling ko, yung father dapat last na magsasalita.

“Third time na rin, hindi ko na alam kung paano ako magre-react kasi pangatlo na ring beses.

“Naiintindihan ko, pero masakit para sa isang anak.”

Gusto ba niyang makausap nang personal ang kanyang ama?

Agad naman na tumango si Julia at sinabing, “Magkausap? Oo naman, tatay ko yun, we’ll get there.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin naman namin si Julia tungkol sa ina niyang si Marjorie Barretto, ipinahayag nito ang kanyang labis na pagmamahal dito.

“She’s always just there for me, she’s always giving motherly advice.

“Pero ang hangang-hanga ako sa kanya, talagang hinahayaan niya akong mapagdaanan yung proseso.

“Masaktan, matuwa, and help myself to be stronger from all of these.

“She’s always there for me.

"Para siyang rock ko, siya talaga ang pinagkukuhanan ko ng strength ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN