Senator Chiz Escudero's family attends birthday party of Heart Evangelista's dad

The Ongpaucos and Escuderos at the birthday party of Heart Evangelista's dad, Rey Ongpauco.


Tila tuluy-tuloy na ang kasiyahan sa buhay ni Heart Evangelista ngayong nagkaayos na ang kanyang mister na si Senator Francis “Chiz” Escudero at ang kanyang mga magulang na sina Rey at Cecile Ongpauco.

Kasunod nito, nakita namang kasama ang pamilya ni Senator Chiz sa birthday celebration ng ama ni Heart.

Kagabi, July 26, ibinahagi ni Heart ang larawan kung saan makikitang magkasama ang pamilya niya at ang pamilya ng senador.

Sa larawang ito, makikita ang mga magulang at mga kapatid ni Heart kasama sina Mrs. Evelina Guevarra-Escudero at kapatid na si Dette Escudero-Quirante.

Noong Mayo ng kasalukuyang taon lamang natuldukan ang halos dalawang taong 'di pagkakaunawaan ni Heart at ng kanyang mga magulang, na dati'y tutol sa pakikipagrelasyon ng aktres sa senador.

Nang magkaayos si Heart at ang kanyang Mommy Cecille, nagkaroon ng hinuha ang mga nakakita ng post ni Heart na magkakaroon ng second wedding.

Ito ay dahil hindi nakadalo ang kanyang mga magulang sa kasal nila ni Senator Chiz sa Balesin noong February 15, 2015.

Read: Heart Evangelista reconciles with mom Cecile Ongpauco; posts about their happy reunion

Tumindi pa ito nang mag-dinner silang mag-asawa kasama ang mga magulang ni Heart.

Read: Heart Evangelista on reconciliation between her parents and Sen. Chiz Escudero: “And then my life is perfect.”

Walang tiyak na sagot si Heart tungkol dito. Subalit sinabi ni Senator Chiz na magkakaroon sila ng renewal of vows sa 2016.


Read: Senator Chiz Escudero confirms plan to renew wedding vows with Heart Evangelista in 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN