Bea Alonzo when asked about status of relationship with BF Zanjoe Marudo: “Responsibilidad mo sa sarili mo na maging happy ka.”

Bea Alonzo on current relationship with Zanjoe Marudo: “Okay naman ako, okay naman kami. And oo, may mga pinagdadaanan. Lahat naman tayo hindi naman mawawala 'yon, 'di ba?


Nagbigay ng maiksing pahayag si Bea Alonzo sa estado ng relasyon nila ng boyfriend na si Zanjoe Marudo.

Ito ay pagkatapos aminin kamakailan ng aktres na sinisikap nilang ayusin ang relasyon dahil may pinagdadaanan sila.

Read: Bea Alonzo admits problem in her relationship with boyfriend Zanjoe Marudo

Nabuo ang espekulasyong may problema sa relasyon nina Bea at Zanjoe matapos mapansin ng kanilang followers sa social media na hindi sila magkasama sa kani-kanilang bakasyon.

Naging tradisyon na kasi ng Kapamilya couple na magbakasyon sa ibang bansa nang magkasama.

Sa press conference ng The Love Affair—ang pelikula ni Bea kasama sina Richard Gomez at Dawn Zulueta—nitong Lunes, July 27, kinumusta ng media ang lagay ng puso ng aktres.

Sagot niya, “Okay naman ako, okay naman kami.

“And, oo, may mga pinagdadaanan.

"Lahat naman tayo, hindi naman mawawala 'yon, 'di ba?

“Yung pinakaimportante naman, di ba, kung paano mo iha-handle ang sarili mo pagkatapos ng lahat ng ito.

“So there, we're working it out, and masaya naman kami, okay naman kami.”

Binanggit din kay Bea ang ulat kamakailan na sweet sila nang magkaroon sila ng show sa London noong July 18-19.

Read: Bea Alonzo and Zanjoe Marudo spotted getting cozy in London despite recent relationship problem


Dugtong pa ni Bea, “Okay naman kami, responsibilidad mo sa sarili mo na maging happy ka.”

Samantala, sinegundahan ng dramatic actress ang naging pahayag kamakailan ni Paulo Avelino na hindi sila nagkakamabutihan, matapos silang magkitang lumabas kasama ang ibang kaibigan.

Gaya ng sinabi ni Paulo, idiniin ni Bea na hindi romantic date ang paglabas nila at may mga kasama silang ibang kaibigan.

Read: Paulo Avelino denies rumored romance with Bea Alonzo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN