Arnell Ignacio to ex-BF Ken Psalmer: "Kung gusto niya ng away, talagang bibigyan ko siya ng away na matindi.''

Arnell Ignacio says he won't think twice about filing a case against Ken Psalmer if the latter continues to spread lies against him: "Huwag siyang mag-iimbento sa akin, dahil isang imbento lang, kakasuhan ko siya. And it will take a long, long time. I will file a case. It will be the day that he will regret na nakilala niya ako."


Matapos lumabas ang magkahiwalay na panayam ng Startalk sa dating mag-boyfriend na sina Arnell Ignacio at Ken Psalmer, humarap naman si Arnell sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa entertainment columnist na si Pilar Mateo para sa mas detalyado pang kuwento.

Read: Arnell Ignacio speaks up about split with boyfriend Ken Psalmer

Read: Ken Psalmer on breakup with Arnell Ignacio: "Hindi lang ako ang may fault... it’s a two-way relationship."

Si Arnell ang tumayong manager ni Ken bago pa man sila nagkahiwalay matapos ang dalawang buwang relasyon.

Naganap ang panayam namin kay Arnell sa Racks restaurant, Timog Avenue, Quezon City, noong Sabado, August 1.

Bungad ng comedian-TV host, "Nung sinabi ko na itigil na lang natin 'yan...

"Kasi 'di ko rin maintindihan kung saan pumunta ang relasyon namin, e. Lagi siyang nagagalit, laging galit.

"Kasi ang bilis-bilis daw. E, 'di ko maintindihan.

"So, ano ang mali dun? Parang hindi ko maintindihan, kung bakit 'di ka sumasaya.

"'Tapos, sasabihin niya, 'Hindi ko hinihingi yun.'

"So, mali? Mali ang nangyari?

"'Tapos, sasabihin niya, 'Ayaw ko 'yan, ba't pinagpipilitan mo 'yan?'

"So, kasalanan ko? Kasalanan ko pa yun?"

 

CAREER PLAN. Patungkol naman sa career plan niya bilang manager ni Ken, ito ang masasabi ni Arnell:

"Ikaw na entertainer, na gusto mo ng recording, may bibili ba ng album mo kung 'di ka kilala?

"That's why the plan was so clear. You have to have a name first bago ka magka-album.

"Logical naman yun, dictate ng common sense yun.

"O, magkaka-album ka, 'di ka kilala, so magkaka-album ka kasi syota ka ni Arnell Ignacio?

"E, sana kung nagtatrabaho ka sa seminaryo, sumikat, e, matuwa ka.

"Pero hindi, e.

''Ikaw ay singer, nagtatatalon ka, naglululundag ka, nagsasasayaw na walang pumapansin sa 'yo.

"'Tapos ako, naawa sa 'yo, malinaw ang lahat sa 'yo at puwede mong tanggihan 'yan, the very first step.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ako naman, nalilito. Entertainer ka, 'tapos ayaw mong makilala, sige nga, i-reconcile natin."

 

TWO-TIMER. Matagal na raw pinagtitiisan ni Arnell ang kakaibang ugali ni Ken, bilang alaga at bilang boyfriend.

Pagsisiwalat niya, "Ako nga, pinagpasensiyahan ko na 'yan.

"Sila nga, gustung-gusto na nila akong batukan dahil sa haba ng pasensiya ko at pang-uunawa.

"Pero sisihin mo pa ako, sisihin mo ako, kasalanan ko, sige bali-baliktarin nga natin at sisihin ako't ituro ako sa mga kasalanang nangyari sa buhay niya, 'di ba?

"Hindi pa 'yan, nahuli pa kitang ikaw ay nanlalalaki, pero inunawa ko pa rin, 'di ba?

"Nagbibigay ka ng pera sa lalaki, inunawa ko, 'tapos kasalanan ko pa rin na nauunawaan ko.

"'Tapos, galit ka pa sa akin... ngayon, galit na ako."

Pagbubulgar pa ni Arnell sa pinakamitsa ng pakikipaghiwalay niya kay Ken, "Na ikaw, habang kausap mo ako, na ikaw ay nasa Dau [Pampanga], ikaw ay namimik-ap ng lalaki, at ikaw ay naholdap pala, dahil ikaw ay pinik-ap ng lalaki, na ang hihingian mo ng tulong ay ako?

"Kinabukasan, binibilhan kita ng telepono, tatanggapin mo pa, nasaan naman ang konsiyensya niyan, 'di ba?

"'Tapos, ang dulo nito, siya ang galit sa akin?

"Sasabihin mo na, 'Ayoko ng media, ayoko ng press.'

"The nerve na sasabihin mo sa akin 'yan!"

 

AMICABLE PARTING. Sa simula ay maayos naman daw ang kanilang paghiwalay.

Kuwento ni Arnell, "Maayos, e.

''In fact, nang sabihin ko na tigilan na namin, kalimutan na ang relasyong ito, yung career niya ang ayusin namin, kasi that's what I promised him.

"Pinababalik ko siya, ipinapagamit ko yung isang kuwarto, kung ayaw niya akong makita.

"'Tapos binubulung-bulong niya dun sa Startalk, na sobra akong seloso.

''E, nahuli na nga kitang nanlalaki, seloso pa ba ang tawag dun? Naman!

"Ni hindi nga naging isyu 'yan sa akin.

"Kaya nga ang mga ito [sabay turo kay Pilar], buwisit na sa akin ang mga ito dahil sa katangahan ko raw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Aileen [Ai-Ai delas Alas] nga, ngayon lang niya ikinuwento, na nang tanungin daw niya kung kaming dalawa, ang sagot daw ni Ken na pataray pa, 'Hindi, a!'

"Siyempre nagalit si Aileen, kasi sabi niya, 'Kaibigan ko 'yan, ba't niya gaganunin?'

"Ayaw ngang sabihin sa akin kasi ayaw niya akong buhusan ng malamig na tubig, dahil high na high ako sa kanya [Ken]."

Dagdag pa ni Arnell, "Ano ang ginawa ko sa kanya to deserve this?

"He could have rejected me, sa umpisa pa lang.

"I-reject na kaagad, huwag kang tumanggap ng kahit na ano.

"Huwag mong sabihin na, 'Hiningi ko ba 'yan?'

"Hindi, e. Huwag mong tanggapin ang kung hindi ka interesado sa relasyon.

"'Tapos ngayon, sasabihin na nanumumbat ako? Sa tablet na ibinigay ko?

"Ganun ako kaliit, manumumbat ako sa ganyan?"

 

UNGRATEFUL. Ano ang dulo ng usaping ito?

Mabilis na sagot ni Arnell, "E, di galit ako, magkagalit kami, gusto niya 'yan, e.

"Ang dali ko namang kausapin, e. Hindi naman ako magagalit kung nag-sorry na lang siya, e.

"May kaibigan pa kami na tinutulungan ko, 'tapos pinagkakaisahan nila ako.

"Yung Didong na kaibigan niya na nagtatrabaho sa mental, kinargahan pa, e.

"'Yan ba ang sukli ng mga taong tinutulungan ko?

"Yung mother ni Ken, tumawag sa akin, apologizing.

"Sabi ng Mama niya sa akin, 'Ano ang ginawa ng anak ko sa 'yo? Hindi ko rin maintindihan, e.'"

May gusto ring iparating si Arnell kay Ken na sana raw ay huwag nitong gawin, or else.

Aniya, "Huwag siyang mag-iimbento sa akin, dahil isang imbento lang, kakasuhan ko siya.

"And it will take a long, long time.

"I will file a case, I will file a case.

"Kung gusto niya ng away, talagang bibigyan ko siya ng away na matindi, huwag siyang magtaas sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It will be the day that he will regret na nakilala niya ako.

"Kasi from the first day, nasubaybayan ko, wala akong inisip kundi ang mapabuti siya, totoo 'yan.

"Buklatin mo, hindi ako marunong magpanggap, 'tapos susuklian mo ako ng ganito?"

 

MESSAGE FOR KEN. Ano ang mensahe niya para sa taong para sa kanya ay isang manggagamit?

Pahayag ni Arnell, "While there is still time, while there's a chance, kahit hindi na sa akin, please learn to be kind, yun na lang.

"Don't fight the world.

"Wala na, tapos na ang giyera, tapos na ang World War 1, ang World War 2.

''Kung mag-iipon pa siya, huwag na, wala nang kalalagyan.

"Ang dami na niyang kaaway.

"Puzzled lang ako, na how could anyone be inconsiderate na hindi ko alam kung saan nanggaling?

"Sa mundo natin, we meet all sorts of people, ang bottomline dito ay pagandahan ng puso, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN