Angelica Panganiban spends weekend cooking with John Lloyd Cruz

Angelica Panganiban posts another weekend bonding with boyfriend John Lloyd Cruz.


Muling nagbahagi si Angelica Panganiban ng kanyang weekend bonding kasama ang boyfriend na si John Lloyd Cruz sa pamamagitan ng social media.

Sa kanyang Instagram post nitong Linggo, August 9, nag-post si Angelica ng larawan nila ni John Lloyd habang nagluluto.

Ang simpleng caption ng Pangako Sa ‘Yo actress sa nasabing picture: “My Sunday, well spent.”

Noong June 29, nag-post din sa Instagram si Angelica ng larawan nila ni John Lloyd na tila nasa isang restaurant para sa kanilang “breakfast date.”

Ang nasabing date na iyon ay tila deklarasyon ding walang katotohanan ang mga naglabasang isyung hiwalay na ang dalawa.

Read: Angelica Panganiban posts weekend bonding with boyfriend John Lloyd Cruz on IG

June 17 naman nang lumabas ang interview ng aktres sa Philippine STAR na mariing pagtanggi sa mga usap-usapang hiwalay na sila ni John Lloyd.

Read: Angelica Panganiban denies split with John Lloyd Cruz


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN