Marian Rivera on Heart Evangelista's statement against her fans: "Huwag na lang intindihin."

Marian Rivera on husband Dingdong Dantes speaking up for their fans: "Well, siyempre it’s about time rin naman. Siyempre yung asawa ko, hindi rin naman nagsasalita yun sa mga issues kung alam niyo lang, ‘di ba? Hangga’t maaari, positive ‘yang asawa ko. Walang itulak-kabigin nga. Lahat positive sa kanya. Pero siyempre, kapag dumating na sa puntong yung mga nagmamahal na sa amin ang nasasaktan, hindi naman puwedeng manahimik na lang, &lsqu


Sa Miyerkules, August 12, ay magdiriwang ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ng kanyang 31st birthday.

Pero kagabi, August 10, ay nagkaroon ng advance birthday party si Marian, kapiling ang fans nila ng mister niyang si Dingdong Dantes, na ginanap sa Makati Sports Club.

Tinawag nila itong “birthday mass” para kay Marian at sa kasalukuyang ipinagbubuntis nitong si Baby Maria.

Pahayag ng Kapuso actress sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ko siya kinu-consider as baby shower.

“Parang ang gusto namin, itong mga ito, e, bilang pasasalamat ko na rin sa kanila sa tagal ng pagsasama namin…

“Kay Dong, at higit lalo sa anak ko na hindi pa lumalabas.

“Sabi ko nga, e, napaka-blessed ko para magkaroon ng ganitong klase ng fans club na palaging nagsasama-sama, nagtitipon-tipon para magsama-sama sa mga biyayang tinatamasa naming mag-asawa.”

Labinwalong fans club ang dumalo sa nasabing birthday mass para kay Marian at sa baby niya.

Walang dudang mahal na mahal talaga siya ng fans nila ni Dingdong.

Sabi ni Marian tungkol dito, “Ay, mahal na mahal ko rin naman talaga sila!

“Kaya sabi ko nga, palagi, e, hindi ako mawawalan ng time sa mga taong katulad nila.

“Sabi ko nga, sila ang nagpapatunay na ang pag-ibig, e, may forever talaga.”

Kahit nagpauna na si Marian sa kanyang fans na huwag nang mag-abalang magbigay ng regalo para sa kanyang baby, marami pa rin ang nag-abot ng regalo sa kanya.

“Naku, sabi ko nga sa kanila, huwag nang magregalo.

“Basta sama-sama kami ngayon, may mass kami para magpasalamat, especially kay Maria, e, masayang-masaya na ako dun.”

TEDDY BOY LOCSIN. Walang duda na ang hukbo ng mga tagahanga ni Marian ang isa sa pinakamasigasig na magtanggol sa kanilang idolo laban sa bashers at haters sa social media.

Pero hindi lang ordinaryong fans ang nagtatanggol sa Kapuso Primetime Queen ngayon, kundi maging ilang prominenteng personalidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang na rito ang journalist at dating Makati congressman na si Teddy Boy Locsin Jr.

Ilang araw na ang nakalipas ay nag-tweet si Teddy upang ipagtanggol si Marian laban sa bashers nito:

“Never ever hit Marian or you have me to answer to.”

Fan ba talaga ni Marian si Teddy Boy?

Sabi ng aktres, “Masasabi ko rin kasi na isa siya sa kaibigan namin ni Dong.

“At nagpapasalamat ako kay Tito Teddy. Napakabait nilang mag-asawa talaga.”

Nag-dinner na sila?

“Yes, na-invite kaming mag-dinner sa bahay nila [Teddy and wife Louie Locsin].

“Kaya sabi ko nga, all-out kaming mag-asawa sa mag-asawang yun, kasi napakabait din nilang tao.”

Nagulat ba siya nang mabasa ang tweet ni Teddy Boy?

“Nagulat ako, oo, nagulat ako.

“Pero alam naming magkakaibigan na kaibigan namin sila.

“Nakakataba nga ng puso na ganun sila, especially itong nangyayari today, nakakatuwa na may mga ganitong pagkakataon na nagkakasama-sama kami.”

MARIAN FANS. Kamakailan ay naging mainit na isyu ang naging pahayag ni Heart Evangelista na ayaw na niyang maikumpara kay Marian hangga’t maaari dahil ayaw niyang ma-bash ng fans nitong “very bad.”

Read: Heart Evangelista calls Marian Rivera fans “very bad”

Bilang isang artista, nasasaktan ba si Marian kapag may nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa fans niya?

Tugon ng Kapuso Primetime Queen, “Oo naman, oo naman...

“Katulad nga ng sinasabi ko, kapag merong nasasabing hindi maganda sa mga fans, e, unang-una kaming nasasaktan diyan, higit lalo kaming ipinagtatanggol nila.

“Pero sabi ko nga, alam niyo, salamat sa pagtatanggol.

“Pero may mga paraan tayo na dapat gawin na ipagpasalamat na lang o ipagpasa-Diyos na lang natin.

“Hindi tayo dapat manakit ng kapwa kung ano yung sakit na ibinibigay nila.”

Sa naunang panayam ng PEP kay Dingdong ay ipinagtanggol nito ang mga tagahanga nila ni Marian kaugnay ng isyung ito.

Sinabi ng Kapuso Primetime King na sana ay hindi nagdye-generalize si Heart dahil marami sa fans nila ni Marian ang mabubuting tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Dingdong Dantes reacts to issue of Heart Evangelista with Marian Rivera's fans

Ano ang masasabi rito ni Marian?

“Well, siyempre it’s about time rin naman.

“Siyempre yung asawa ko, hindi rin naman nagsasalita yun sa mga issues kung alam niyo lang, ‘di ba?

“Hangga’t maaari, positive ‘yang asawa ko. Walang itulak-kabigin nga. Lahat positive sa kanya.

“Pero siyempre, kapag dumating na sa puntong yung mga nagmamahal na sa amin ang nasasaktan, hindi naman puwedeng manahimik na lang, ‘di ba?

“Pero sabi ko nga, maraming paraan para… huwag na lang intindihin.

“Basta kami, may thanksgiving kami, masaya kami rito, at mas magiging masaya pa kami araw-araw at lalo na tuwing Linggo,” pagtukoy pa niya sa bagong comedy-variety show niyang Sunday PinaSaya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN