Alex Medina laughs off rumor that Angelica Panganiban curses a lot on the set of Pangako Sa 'Yo

Sinabi ni Alex Medina na tahimik lang sa set ng Pangako Sa ‘Yo si Angelica Panganiban at halos in character daw ito palagi as Madam Claudia. Saad ni Alex, “Yung hold niya sa character niya na si Madame Claudia. Talagang madame talaga siya.”


Natatawa lang si Alex Medina sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung totoo ang usap-usapan na si Angelica Panganiban ay mahilig magmura sa set ng Pangako Sa ‘Yo (PSY).

Ginagampanan ni Alex ang role ni Simon na ex-boyfriend ni Madam Claudia na ginagampanan ni Angelica sa PSY.

Sabi ng aktor, tahimik lang daw ito sa set at palaging in-character.

Kuwento ng aktor, "Professional. Tahimik lang siya 'tapos usap-usap sa eksena. Kapag rumolyo na, yun na."

Nitong nakaraang linggo, nakatanggap ng mga pambabatikos ang aktres mula sa mga netizen. Nag-post kasi ito ng maaanghang na salita sa Instagram laban sa mga taong pinagsasabong siya at ang kapwa Kapamilya actress na si Bea Alonzo.

Read: Angelica Panganiban lashes out at bashers for pitting her against Bea Alonzo

Bored nga ba si Angelica sa set nila?

Depensa ni Alex, "Feeling ko, very in-character siya, so nakakatuwa. Intimidating lang si Madame Claudia kaya ang ganda ng ginagawa niya para sa character.

"Kahit ako natutuwa ako na, ‘Wow, grabe 'yang si Angelica mag-ano.' Yung hold niya sa character niya na si Madame Claudia. Talagang madame talaga siya.”

Nauna nang ipinagtanggol ng kapwa co-star niyang si Joem Bascon si Angelica laban sa mga batikos na natatanggap nito.

Read: Joem Bascon defends Pangako Sa 'Yo co-star Angelica Panganiban

Nakausap ng PEP si Alex sa presscon ng pelikulang Heneral Luna noong nakaraang Huwebes, August 27.

JOSE BERNAL IN HENERAL LUNA. Sa pelikulang Heneral Luna, gagampapan ni Alex ang papel ni Jose Bernal, isa sa mga trusted men ni General Antonio Luna noong panahon ng Filipino-American War (1898).

Aminado si Alex na hindi siya masyadong pamilyar sa buhay ni General Antonio Luna bago pa maialok sa kanya ang pelikula.

Pero ipinagmamalaki niyang naging bahagi siya ng pelikula.

Kuwento ni Alex, “Sana mapanood ng mga kabataan, kasi iba din yung ipinaglaban ni Antonio Luna. Talagang pasok, e. Panalo e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinapurihan din niya ang direktor nitong si Jerrold Tarog sa ganda ng execution nito sa lahat ng fight scenes.

Aniya pa, “Ang ganda ng action dito. Grabe yung budget namin. Buti nga na malaki yung budget namin dahil hindi napipigilan ang direktor na pagandahin ang bawat eksena.”

Ayon sa producers ng show, umabot sa P50 milyon ang ginastos nila sa Heneral Luna. Ipapalabas na sa mga sinehan sa buong bansa at sa piling siyudad sa Amerika at Dubai ang pelikula sa darating na September 9.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN