#AlDub Fever: Alden Richards surprises Maine Mendoza with handwritten message

Bilang pagdiriwang ng kanilang seventh weeksary, isang standee ni Yaya Dub o Maine Mendoza ang niyakap-yakap ni Alden Richards sa episode ng KalyeSerye ngayong hapon, September 3.


Hindi pa rin dumarating ang "tamang panahon" para magkita sina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub.

May ilang pagkakataong muntik nang magkita ang dalawa ngunit mahigpit ang bilin sa mga nakapaligid sa kanila na huwag muna silang pagtagpuin.

Noong Miyerkules, September 2, ay may usapan sina Alden at Maine—sa pamamagitan ng pagpapalitan ng fan signs sa KalyeSerye—na sabay silang magre-rehearse para sa "Bulaga Pa More" wildcard edition.

Sinabi ni Alden na hihintayin niya si Maine sa Broadway para sabay silang mag-rehearse, at nangako naman si Maine na pupunta siya.

Sina Alden at Maine ang maghaharap sa wildcard edition ng "Bulaga Pa More" sa Sabado, September 5, pagkatapos nilang makakuha ng pinakamaraming likes sa Facebook.

Read:Alden vs Yaya Dub in "Bulaga Pa More" wildcard edition

Ilang oras pagkatapos ng live airing ng Eat Bulaga! ay nag-post si Maine sa Instagram at Twitter ng larawan niya na kuha sa mismong puwesto ni Alden noong KalyeSerye.

May hawak din siyang fan sign na: "Wer Na U? Dito Na Me"

Read: Maine Mendoza got stood up by Alden Richards?


Ibig sabihin ay nagpunta talaga si Maine sa Broadway, pero wala na roon si Alden.

Ito ay alinsunod na rin sa storyline ng KalyeSerye kung saan mahigpit pa ring tinututulan ni Lola Nidora, ang karakter ni Wally Bayola, na magkita sina Alden at Yaya Dub.

THE PHOTO SHOOT. Sa episode ng KalyeSerye ngayong araw, September 3, ay ipinakita ang cardboard standee ni Yaya Dub/Maine na niyakap-yakap ni Alden kanina.

Ito ay para sa 7th weeksary ng AlDub loveteam.

Kinunan ang nasabing larawan ni Maine nang magpunta siya sa Broadway kahapon.

Dalawang oras bago ang pictorial ni Maine ay si Alden muna ang nagpa-pictorial para sa standee niya, na ipinakita rin kanina.

Ang photographer ng nasabing pictorial ay si Niko Villegas.

Sa post ni Niko sa kanyang Instagram account (nikogvillegas) ngayong hapon, ipinakita niya ang magkahiwalay na larawan nina Alden at Maine habang nagpi-pictorial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa caption ay sinabi ni Niko na may sorpresang ibinigay si Alden kay Maine—ang mensahe na isinulat nito sa background paper.

Sabi ni Alden sa kanyang message para kay Maine: "ALDEN WAS HERE!"

Sinamahan pa niya ito ng "Pabebe Wave" at ng kanyang pirma.

Nang dumating naman si Maine, pagkatapos ng dalawang oras, ay nakita niya ang iniwang mensahe ni Alden para sa kanya.

At sa tabi ng mensahe ni Alden ay isinulat naman ito ni Maine: "DITO NA ME"

Sinamahan pa niya ito ng *PABEBE WINK* at kanyang pirma gamit ang tunay niyang pangalan na Maine Mendoza.

Buong caption ni Niko: "Sinunod ko pa rin po ang mga utos ni Lola at kahapon po ay hindi pa rin ang #tamangpanahon muntikan lang po sila nagkita sa photoshoot namin 2 hours apart po at ang surprise ni @aldenrichards02 ang message na sinulat sa background paper ng shoot na pinakita lamang kay @mainedcm after ng shoot namin, kinilig po siya at imbis yayadub ang pinirma niya sabi niya ayan ha maine ang pinirma ko . . ."

Samantala, umabot na naman sa lagpas one million ang tweets para sa AlDub hashtag ngayong araw—#ALDUB7thWEEKSARY.

Ito na ang ika-labindalawang magkakasunod na araw na nakaabot ng 1M tweets ang #AlDub.

Sa Sabado ay tiyak na maraming mag-aabang sa showdown nina Alden at Maine para sa huling slot sa grand finals ng "Bulaga Pa More."

Posible nga kayang hindi magkita ang dalawa kahit na sa parehong studio sila magpe-perform? Ano ang gagawing paraan ni Lola Nidora para hindi sila magkita?

Totohanin kaya ni Alden ang sinabi niyang magpaparaya siya para manalo si Maine? Abangan!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN