Alden Richards overwhelmed by #ALDUBTheAbduction's record-breaking Twitter feat

Alden Richards can't help but feel overwhelmed by AlDub Nation's record-breaking Twitter feat during Eat Bulaga's episode last Saturday, September 12. He said, “Wala akong ibang puwedeng pasalamatan kundi ang mga nagpa-trend sa buong AlDub Nation sa buong mundo.”


Muling na-overwhelm sina Alden Richards at Maine Mendoza (a.k.a. Yaya Dub) sa record-breaking tweets para sa episode ng kanilang Kalyeserye sa Eat Bulaga! noong Sabado, September 12.

May hashtag itong #ALDUBTheAbduction, na nakakuha ng mahigit 6.35 million tweets sa loob lamang ng 24 oras o isang araw.

Hindi raw inaasahan nina Alden at Maine na mabi-break ang naitalang record ng hashtag na #ALDUBBattleForACause, na humamig ng 5.8 million tweets noong September 5.

Read: AlDub hashtag breaks another record on Twitter

Sabi ni Alden sa panayam sa kanya ng 24 Oras Weekend, “Wala akong ibang puwedeng pasalamatan kundi ang mga nagpa-trend sa buong AlDub Nation sa buong mundo.

“Wala na po akong masabi!”

THAT EPISODE. Sa episode noong Sabado, nagkita sa pangalawang pagkakataon sina Alden at Yaya Dub habang nasa magkaibang sasakyan sila.

Pero hindi pumayag ang mastermind ng pag-kidnap sa dalawa na si DuhRizz (Wally Bayola) ng pagkakataong maghawak sila.

Pinaglaruan pa ni DuhRizz ang dalawa nang lagyan niya ng piring sa mata sina Alden at Yaya Dub at pinaglakad para hanapin ang isa’t isa.

Sa eksenang sandaling nagkadikit ang dalawa ay hindi magkamayaw ang mga manonood, pati na ang netizens, dahil sa sobrang kilig.

Lalo pang nagpakilig sa mga manonood nang dumampi ang mga labi nila sa pamamagitan ng paggamit ng iisang straw.

Read: Alden Richards and Maine Mendoza meet again; had their first touch and 'first kiss'

Sinabi ng Pambansang Bae na hindi niya alam ang mga magaganap sa naturang episode.

Kung ano ang eksenang ibigay sa kanya, siya na raw ang bahalang magbigay ng kanyang reaction.

Sabi pa ni Alden, “Wala kaming pressure, kasi ang main objective namin ay ang magpaligaya ng mga manonood.

“Nanikit nang husto ang mga mata ko sa sobrang tuwa.

“First time kasi naming magkita ni Maine nang malapitan!”



YAYA DUB'S REACTION. Sa isang Instagram post ni Yaya Dub pagkatapos ng Kalyeserye ay sinabi nitong wala rin siyang alam sa mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw niya inasahang makikita niya nang malapitan si Alden.

Pahayag ni Maine, “Wala akong kaalam-alam sa mangyayari. Gusto kong alamin pero walang nagsasabi sakin at hindi na din ako nagtanong pa. Gusto kong magulat sa magiging eksena, gusto kong makita yung tunay na reaksyon na lalabas sa aking mukha, o naming dalawa kung sakaling kami man ay magkikita. Ayun.. Saan ka nakakita ng pinadukot na nakangiti at tumatawa? At puma-pabebe wave pa. (Ctto) #ALDUBTheAbduction #oneforthebooks #actinganlangtouy.”

POWER COUPLE. Maliban sa 6.35 million tweets na nakuha ng #ALDUBTheAbduction noong Sabado, nag-trend din ang iba pang hashtags para kina Alden at Maine nitong weekend.

Noong Sabado ng gabi ay ipinalabas ulit ang life story ni Alden sa drama anthology ng GMA Network na Magpakailanman, at naging top trending topic ang hashtag na #AldenRichardsOnMPK.

Noon namang Linggo, September 13, ay naging top trending topic din sa Twitter ang #SPSAngSayaSaya. Ito ay para naman sa kinabibilangang Sunday noontime show ni Alden na Sunday Pinasaya.

Kinagabihan, naging top trending topic naman ang hashtag na #MaineMendozaOnKMJS, dahil sa ginawang feature ng Kapuso Mo, Jessica Soho kay Maine.

Isa pang patunay kung gaano kasikat ngayon ang tambalang AlDub ay ang pagdumog ng mga tao sa mall shows ni Alden.

Kahapon nga lang ay pumunta siya sa Starmall, sa San Jose Del Monte, Bulacan, at dumagsa ang napakaraming tao roon.

"Speechless" nga raw si Alden sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao roon.

I'm speechless. Kulang pa po ang salitang "thank you" maraming maraming maraming salamat. 🙏🏻 pic.twitter.com/fuwWjPxJ0O

— Alden Richards (@aldenrichards02) September 13, 2015

Patuloy rin ang pagdagsa ng offers kina Alden at Maine para maging endorsers ng iba't ibang produkto.

Lumalabas na ang TVC nila para sa isang fastfood chain.

Ngayong araw, September 14, ay ilulunsad naman ang kanilang commercial para sa isang mobile company.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN