Julia Barretto on snubbing incident: “I am not going to allow a 15-second video to define me.”

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, idiniin ni Julia Barretto na hindi siya nang-isnab ng fans at hindi raw ipinakita sa kontrobersiyal na video ang parte kung saan binati niya ang mga ito.


“It's time to move on to better things.”

Ito ang paalala ni Julia Barretto tungkol sa diumano’y snubbing incident na kinasangkutan niya nang magtungo siya sa London, kasama ang iba pang Kapamilya stars, para sa ASAP 20 in London noong nakaraang linggo.

Matatandaaang noong September 9, Miyerkules, ay naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa isang Instagram video na in-upload ng isang netizen, kung saan makikita ang tila pang-iisnab ni Julia sa ilang fans na tumatawag sa kanya.

Read: Julia Barretto speaks up about alleged snubbing incident in London

Sinagot naman ito ni Julia sa pamamagitan ng paglabas ng statement sa kanyang Instagram account.

Humingi siya ng paumanhin sa nangyaring insidente, kung inakala man ng iba na nang-isnab siya.

Subalit nilinaw ni Julia na hindi alam ng mga bumabatikos sa kanya ang tunay na nangyari.

Aniya, hindi ipinakita sa nasabing video ang bahagi kung saan binati niya ang kanyang fans.

Read: Julia Barretto apologizes for snubbing incident in London; explains her side of the story

Noon namang September 10, sunud-sunod na nag-post ang young actress sa kanyang Twitter account upang talakayin ang nasabing isyu.

Idiniin niyang hindi buo ang video na lumabas sa social media at nanindigan siyang binati niya ang kanyang mga tagahanga.

I have explained myself many times but will explain again. The video did not capture the time I acknowledged the fans---

— Julia Barretto (@BarrettoJulia) September 10, 2015

Sabi pa ni Julia, hinding-hindi niya ipaparamdam sa kanyang mga tagahanga na hindi siya marunong magpasalamat sa kanilang pagsuporta.

“I am not going to allow a 15 second video to define me,” pagtukoy pa ni Julia sa video.

The last thing I want to happen is for my fans to think I am not grateful for them. I am not going to allow a 15 second video to define me.

— Julia Barretto (@BarrettoJulia) September 10, 2015

Iyon na rin daw ang huling pagkakataon na tatalakayin niya ang tungkol sa insidente.

This is also the last I am going to speak of the issue. It's time to move on to better things. Careful with the words you throw at people :)

— Julia Barretto (@BarrettoJulia) September 10, 2015

Pinaalalahanan din ni Julia ang kanyang bashers na maghinay-hinay sa pamumuna dahil nasasaktan din siya.

Please be gentle. I'm just like the rest of you.

— Julia Barretto (@BarrettoJulia) September 10, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN