Alden Richards on Maine Mendoza: "I really wanna get the chance to talk to her, to meet her, to know her personally."

Alden Richards on what he likes most about Maine Mendoza: “The genuine emotion, it’s very genuine. Very genuine siya. I mean, what you see is what you get. And that’s the reason bakit marami rin ang nagmamahal sa kanya.”


Sina Alden Richards at Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub, ang bumubuo sa itinuturing ngayong pinakasikat na loveteam sa Pilipinas—ang AlDub.

Pero kahit araw-araw silang napapanood sa Kalyeserye ng Eat Bulaga, hindi pa sila personal na nagkakausap o nagpapalitan man lang ng mensahe sa text.

Wala rin daw silang cellphone number ng isa’t isa.

Sa loob ng halos dalawang buwan nilang split-screen romance sa telebisyon ay dalawang beses pa lang silang nagkikita nang personal.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, at kung dumating na ang tamang panahon, gusto raw ni Alden na makilala nang lubusan si Maine.

Sabi ng Pambansang Bae, “I want to get to know her.

“Kasi, of course, as real person, you really can’t say you have mutual feeling towards a person, not unless you know her personally…

“Apart from pagkikita namin these past two Saturdays, I really wanna get the chance to talk to her, to meet her, to know her personally.

“And siguro, from that, tingnan natin kung saan tayo dadalhin.”

Pero saan siya pinaka-attracted kay Maine, bukod sa likas na kagandahan nito?

Mabilis na sagot ni Alden, “The genuine emotion, it’s very genuine. Very genuine siya.

“I mean, what you see is what you get.

“And that’s the reason bakit marami rin ang nagmamahal sa kanya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Alden sa launching niya bilang endorser ng bagong service ng Talk ‘N Text, ang TNT Extend, ngayong Lunes ng hapon, September 14, sa Cocoon Boutique Hotel, sa Sct. Tobias cor. Sct. Rallos, Quezon City.

Kasama ni Alden bilang endorser ng TNT Extend si Maine pero hindi ito humarap sa media.


SA TAMANG PANAHON. Inihalintulad naman ni Alden sa kanyang career ang posibleng pagkikita at pag-uusap nila ni Maine sa tamang panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng 23-year-old Kapuso actor, “Kagaya nga nitong AlDub, nangyari po siya unexpectedly.

“Siguro po, one point po, hiningi ko po sa career ko na mangyari yung ganito.

“So, in the right timing po talaga.

“Ayoko pong pangunahan yung mga bagay na… Time ni Lord ang magsasabi kung kailan yung perfect time for that.”

Patuloy ni Alden, “Ako po, ang ginagawa ko ngayon, I enjoy every moment, I savor it.

“I put it at heart, not in the head.

“Kasi pag in the head, wala na, tapos na tayo dun.

“So, yun po, ini-enjoy ko lang siya.

“And as of the moment po, I’m very happy with everything that’s happening now.

"Sobrang kuntento po ako sa lahat ng nangyayari.

“I couldn’t ask for more, this is more than what I asked for.

“Sabi ko nga po sa mga past interview ko, we’re so blessed, sobra po!”

Pero tila maraming fans ang naiinip na kung kailan sila magkikita at makakapag-usap na talaga.

Biro naman ni Alden, sa tono ni Lola Nidora na nagba-Babalu, “Ang dami na nga po, e, twice na… wow!”

Pero seryoso niyang dugtong, “When it comes to that po, kagaya po ng sabi ko, in the right time... sa tamang panahon, sabi nga ni Lola Nidora.

“Hindi po kami nagpapatakam. Hindi po namin binibitin yung mga fans for this.

“Talagang hinahanapan lang po namin ng tamang timing lahat ng mga pangyayari.

“So, kapit lang…”



SOMETHING DIFFERENT. Umiwas naman si Alden nang usisain ng PEP tungkol sa ibinuking ni Joey de Leon na sinabi raw sa kanya ng Kapuso heartthrob pagkatapos ng Kalyeserye noong Sabado, September 12.

Ayon kay Joey, “iba na ang nararamdaman” ni Alden para kay Maine.

Read: Alden Richards on Maine Mendoza: "Parang iba na yung nararamdaman ko."

Pero biro ni Alden, “Yun nga po, e, tapos gusto niya po akong papuntahin sa CR!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Joey: Ano, okay ka lang? Alden: Parang iba na nararamdaman ko... Joey: Aba eh nandyan ang C.R.!

A photo posted by Joey de Leon (@angpoetnyo) onSep 12, 2015 at 10:58pm PDT

Pero sinabi niya nga ba yun talaga kay Joey?

Sagot ni Alden, “Secret na lang yun…

“Well, hindi ko naman po talaga ma-explain yung mga nararamdaman ko sa mga nangyayari po ngayon.

“Kasi, this is a big thing that’s happening, a big turn of events in terms of my career, my life, life of everyone around me…”

Pero kitang-kita sa mukha ni Alden ang pagkakilig nang magkita sila ulit ni Maine noong Sabado.

Natatawang sabi naman niya, “Yung mga kilig na ganun… siyempre ganun na yun!”

Wala raw kaalam-alam si Alden sa pagkikita, pagdidikit, at pag-inom nila ni Maine sa iisang straw noong Sabado.

Read: Alden Richards and Maine Mendoza meet again; had their first touch and 'first kiss'

Sabi ng actor-TV host, “Nagulat ako dun.

“Pinanood ko lang siya sa Facebook nung replay, and talagang nagulat ako sa turn of events.

“Kasi, I was just… ‘Alden, ito lang ang mangyayari…’ ‘Then po? ‘Secret.’

“Yung mga sumunod, nagkakagulatan na lang.”

Ngayong mayroon na silang endorsement para sa isang telco company, malapt na rin kaya nilang i-text ang isa’t isa?

Sagot ni Alden, “Malay niyo, malapit na ang tamang panahon… Siyempre nalalapit na yun…

“Eventually, hindi naman malayong mangyari yun.”

Ano naman ang unang iti-text niya kay Maine?

“Yung ‘asterisk, pabebe wave, asterisk,’” sagot ng Pambansang Bae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN