Nikki Gil shares photos of her Parisian-themed bridal shower

Soon-to-be married Nikki Gil shares photos of her recently-concluded bridal shower in Manila.


Puno ng kasiyahang ibinahagi ni Nikki Gil ang ilang larawan ng kanyang bridal shower na ginanap noong Sabado ng gabi, September 19.

Pinangasiwaan ng kanyang matron of honor at best friend na si Iya Villania ang isang Parisian-themed party sa isang hindi pinangalanang venue.

Mah gewd lewkin lahdeeeez wow. Buti pala nag concealer ako. All of my friends are hawttt

A photo posted by Nikki Gil (@nikkigil) onSep 20, 2015 at 10:02am PDT

Base sa Instagram posts ni Nikki, na may hashtag na #KnottingGil, kabilang sa kanyang guests ang Kapamilya star na si Iza Calzado, TV host Cesca Litton, at blogger na si Patty Laurel.

Naroon din ang ilang kaanak, non-showbiz friends, at mga katrabaho ni Nikki sa MYX Music Channel.

Bago ito ay nagkaroon na ng mini-bachelorette party si Nikki nang magbakasyon siya sa Japan, kasama ni Iya at mga piling kaibigan, tatlong linggo na ang nakararaan.

Base sa kanilang Instagram posts, tila imbitado rin ang close friends nilang sina Shaina Magdayao at Bea Alonzo, ngunit hindi nakasama ang mga ito sa Japan.

May ilang fans si Nikki na nagtatanong kung bakit ilang linggo na siyang hindi napapanood sa ASAP, gayong isa siya sa mainstays ng naturang show.

Read: Nikki Gil takes a break from showbiz commitments to prepare for November wedding

Matatandaang na-engaged si Nikki kay BJ noong huling bahagi ng taong 2015.

Read: Nikki Gil engaged to non-showbiz boyfriend


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN