(UPDATED) Jessy Mendiola denies rumored breakup with JM de Guzman; hits back at bashers

Jessy Mendiola's Instagram post today, September 23: “Just get back up when it knocks you down.”


Pinabulaanan ni Jessy Mendiola ang espekulasyong hiwalay na sila ng boyfriend niyang si JM de Guzman.

Ito ay sa kabila ng kanyang emosyunal Facebook post tungkol sa hindi pinangalanang personalidad na nais niyang makasayaw ngunit tila nang-iwan sa kanya sa ere.

Base ito sa Facebook status ni Jessy noong gabing hindi sila sumipot ni JM sa annual Star Magic Ball.

Read: Jessy Mendiola, JM de Guzman relationship on the rocks?

Ayon sa ulat ni MJ Felipe sa Bandila kagabi, September 22, maliban sa paglilinaw ni Jessy sa estado ng relasyon nila ni JM ay tumangging magbigay ng karagdagang panayam ang dalaga.

Gayunman, kapansin-pansin ang Instagram post ni Jessy kung saan nagpahiwatig ang dalaga na nananatili siyang matatag sa kabila ng kinasangkutang kontrobersiya.

Sabi ni Jessy sa caption ng kanyang Instagram post ngayong araw, September 23: “Just get back up when it knocks you down.”

Tila kaugnay ito ng napabalitang plane incident kung saan binastos diumano ni Enrique si Jessy at ilang kapwa-Kapamilya stars.

Read: Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Maliban sa cryptic Instagram posts ni Jessy noong unang pumutok ang balita hinggil sa naturang plane incident, hindi nagbigay ng direktang pahayag ang aktres ukol dito.

Pero tila napuno na si Jessy dahil hindi pa rin tumitigil ang pamba-bash sa kanya ng ilang netizens kaya sinagot na niya ang mga ito.

Mensahe niya sa kanyang Instagram pagkatapos makatanggap ng pamba-bash:

"Tigilan niyo akong lahat. Hindi niyo alam pinagdadaanan ni JM ngayon at mas lalong hindi niyo alam nangyayari sa aming lahat.

"Sana maisip niyo kung totoong mahal niyo ang isang tao bilang isang fan man o kaibigan, tumulong na lang kayong maging maayos lahat imbes na naninira kayo at namba-bash kayo ng kapwa-tao.

"Ang kikitid ng mga utak niyo, kaya hindi ako nagsasalita sa mga interviews dahil ayoko nang humaba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sige antayin niyo, sasabihin ko para manahimik na kayo."



JM'S CHALLENGE VERSUS ENRIQUE, ALLEGED WORK TROUBLES. Nitong nakaraang Sabado, September 19, hayagang hinamon ni JM si Enrique sa isang mixed martial arts fight, sa pamamagitan ng pag-post ng mensahe sa Instagram at Twitter accounts ng All of Me star.

Nabanggit din dito ni JM na pinadalhan niya ng “text messages” si Enrique ngunit hindi umano nagre-reply ang huli.

Sa kasalukuyan ay burado na ang naturang Instagram post ni JM, ngunit mababasa pa rin ito sa kanyang Twitter account.

Read: JM de Guzman challenges Enrique Gil to MMA fight

Sa hiwalay na ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, September 22, nabanggit na mayroong espekulasyon na diumano’y nagiging problema sa set ng All of Me si JM.

At mayroon umanong balita na tatanggalin sa cast si JM at pitong linggo na lang ang tatakbuhin ng Kapamilya teleseryeng pinagbibidahan ni JM at ng leading lady niyang si Yen Santos.

Ngunit agad na dinepensahan si JM ni Yen, at pati na rin ng isa pang All of Me cast member na si Arron Villaflor.

Ayon kina Yen at Arron, hindi totoong nagkakaproblema sa set ng All of Me dahil kay JM.

Sa katunayan, nananatili umanong "professional" si JM sa kabila ng "pinagdadaanan" nito sa personal nitong buhay.

Read: JM de Guzman pulled out from TV show and MMFF movie?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN