Liz Uy to file six libel cases against Fashion Pulis

Nakatakdang maghain ng reklamo ang fashion stylist na si Liz Uy laban sa blogger na si Michael Sy ng Fashion Pulis Lim dahil sa paninira diumano ng huli sa kanya sa mga artikulo nito.


Nakatakdang maghain ng anim na kasong libelo ang fashion stylist na si Liz Uy laban sa blogger na si Michael Sy Lim ng FashionPulis.com.

Inaasahang ihahain ni Liz ang kanyang mga reklamo laban kay Lim sa Office of the City Prosecutor sa Makati ngayong Lunes ng hapon, November 9.

Ang tumatakbong senador na si Atty. Lorna Kapunan ang kinuhang abugado ni Liz para rito.

Pinaniniwalaang ang mga reklamong ihahain ni Liz ay may kaugnayan sa mga artikulong lumabas sa FashionPulis, kung saan ikinumpara ang ilang mga damit na isinuot ni Maine Mendoza na kapareho raw ng mga damit na naisuot na ng ibang artista.

Si Liz ang stylist ni Maine o Yaya Dub.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag si Liz kaugnay ng hakbang na gagawin niya, ngunit maayos naman siya tumanggi nang makausap namin siya sa telepono kagabi, November 8.

Sinabi lang ni Liz na handa siyang magbigay ng impormasyon kapag nagkaroon na ng development.

Inusisa rin ng PEP si Liz kung ano ang kanyang reaksiyon sa pagbatikos sa kanya ng netizens, lalo na ang mga tagahanga ni Maine na hindi nagustuhan ang isyu tungkol sa “recycled” na mga damit nito.

Ngunit sabi ni Liz, mas mabuti na hindi na lamang siya mag-comment hinggil sa isyu.


THE ISSUE. Nag-umpisa umano ang sigalot sa pagitan nina Liz at Lim nang lumabas sa Fashion Pulis na “recycled” gown daw ang isinuot ni Maine sa "Tamang Panahon" concert ng Eat Bulaga! noong October 24.

Pagkatapos ng concert, naglabasan ang mga photo collage kung saan ipinapakita na ang disenyo ng gown ni Maine ay kapareho ng isinuot ni Kim Chiu sa isang fashion show noong 2013.

Idinisenyo ni Francis Libiran ang naturang damit.

Depensa ni Liz sa isang official statement: “The gown, which was first showcased at Francis Libiran’s fashion show as part of his Bangalore collection, was purchased by TAPE, Inc. for the event.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang TAPE, Inc. ang siyang producer ng Eat Bulaga, kung saan mainstay si Maine.

Read: Maine Mendoza's Cinderella gown not recycled, says stylist Liz Uy and make-up artist Juan Sarte

Pero hindi rito nagtatapos ang istorya.

Makalipas ang ilang araw, naglabas muli ng entry ang FashionPulis kung saan sinasabing ang jacket na suot ni Maine sa November 2015 issue ng Preview magazine ay una munang ginamit ni Liz.

Nilinaw naman ni Isha Andaya-Valles, executive director ng Preview, na hindi si Liz kundi ang kapatid nitong si Vince Uy ang in-charge sa damit na isinuot ni Maine para sa magazine cover.

Sinabi rin ni Valles na si Maine ang unang nagsuot ng red and black jacket dahil ginawa ang shoot para sa glossy magazine noong September 30.

Ipinost naman ni Liz ang isang photo na suot niya ang jacket sa kanyang Instagram account noong October 1.


Read: Maine Mendoza first to wear designer jacket on Preview cover before Liz Uy, says report


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN