Kristoffer Martin insists he's still the last dance of Bea Binene despite presence of Alden Richards

Natawa lang si Kristoffer Martin nang matanong tungkol sa diumano’y pagkaitsapuwera niya bilang last dance ng best friend na si Bea Binene noong selebrasyon ng debut nito last November 3. Sabi lang niya, “No big deal naman sa akin yun. Kumbaga, alam naman namin yung tootoo, at galing naman sa trabaho si Alden.”


Walang naging tampo o sama ng loob si Kristoffer Martin na hindi siya ang naging last dance sa 18thbirthday party ng best friend niyang si Bea Binene noong November 3 sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel.

Halos isang linggo bago ang debut ni Bea, ipinagmalaki pa ni Kristoffer na siya ang last dance sa 18 Roses segment ng party ng kanyang best friend.

Read: Kristoffer Martin reveals why Bea Binene chose him for her debut's last dance

Inimbita rin daw ni Bea si Alden Richards sa kanyang debut.

Pero wala pang naging kumpirmasyon ang Pambansang Bae hanggang sa dumating na ang petsa ng selebrasyon.

Pero biglang dumating si Alden at ito na ang naging last dance ng debutante.

Read: Alden Richards surprises Bea Binene on her debut party

Pero pahayag ni Kristoffer tungkol dito, “Ako pa din, ako pa din.

"Technically kasi, naging nineteen na.

"E, kasi, si Alden kasi is a man of his words kasi.

"Kumbaga, kung pupunta siya, pupunta talaga siya hangga’t kaya niya.

“E, nagkataon, yung chance ng pagpunta niya, yung 18 Roses. So, wala.

"No big deal naman sa akin yun.

"Kumbaga, alam naman namin yung tootoo, at galing naman sa trabaho si Alden."

Galing si Alden sa shooting ng kanyang pelikula noon at sumaglit sa debut party ni Bea.

Biro pa ni Kristoffer na si Alden ang pang-19 na kasayaw ni Bea.

“Special dance na yun. Special dance.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at 24 Oras ng GMA Network si Kristoffer sa early birthday surprise na inihanda ng kanyang mga kaklase sa San Beda at mga taga-GMA Artist Center (GMAAC) para sa kanya kahapon, November 12, sa Café UK, sa may Mendiola, Manila.

21ST BIRTHDAY. Sa November 20 pa talaga ang ika-21 kaarawan ni Kristoffer, pero inalayan na siya ng isang early birthday surprise treat ng kanyang mga kaklase at kaibigan sa San Beda College.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Galing sa kanyang final exam ang Buena Familia star at kunyari ay imi-meet ito ng kanyang manager na si Tracy Garcia sa isang café para sa isang meeting kasama ang isang kliyente.

Wala raw kamalay-malay si Kristoffer na ito pala ay isang birthday surprise.

Saad ni Kristoffer, “Sobra! Hindi ko ini-expect kasi ang lapit sa school.

"Kasi kakatapos ko lang mag-exams, e, finals week namin ngayon.

“Nagmamadali pa ako kasi andito na daw ang client.

"Pero pagpasok ko, kumakanta na yung [San Beda] Red Corps.

"Ayun, natuwa ako kasi may participation ang San Beda."

Pangalawang beses na raw itong nasorpresa si Kristoffer para sa kanyang kaarawan mula sa GMA Artist Center.

Wala raw siyang kahina-hinalang mauulit ito dahil maaga pa ng isang linggo bago talaga ang kanyang kaarawan.

Last year, tapos na ang kanyang birthday bago naman siya nakatanggap ng surprise birthday treat.

Ayon sa GMAAC, inagahan nila ngayon dahil mag-a-abroad ang Kapuso star next week.

Ano naman ang wish ni Kristoffer para sa kanyang kaarawan?

“More success siguro sa career at siguro maging focus sa life.

"Sana yung career ko, yung way niya, pataas pa."

(Kristoffer with Miss Tracy Garcia of GMA Artist Center.)

(Kristoffer with his friends from San Beda.)

Ang isa pang sorpresa na inihanda ng GMAAC ay ang pagdating ng best friend nitong si Bea Binene.

Read: Bea Binene shrugs off bashers of her debut gown


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN