Vivian Velez stands by accusation against Karen Davila: “I'm not afraid in taking risks especially in something I believe in.”

Pinaninindigan ni Vivian Velez ang kanyang naging komento sa istilo ng pagtatanong ni Karen Davila sa Parañaque City councilor at senatorial candidate na si Alma Moreno sa panayam nito sa programang Headstart sa ANC noong nakaraang November 11. Sabi ng aktres sa post niya kagabi, November 20, “I have to stand up for what I believe in, even when I know I'll hear people making hateful comments.”


Pinanindigan ng aktres na si Vivian Velez ang kanyang komentong hindi niya nagustuhan ang istilo ng pagtatanong ni Karen Davila kay Parañaque councilor Alma Moreno sa guesting nito sa programa ng una na Headstart sa ANC noong November 11.

Matatandaang sa Facebook post ni Vivian noong Martes, November 17, sinabi niyang bakit parang dinikdik pa raw ni Karen si Alma kahit halata nang mali-mali na ang mga naging sagot nito sa kanyang katanungan.

Aniya, “Ok, I know the objective Ms Davila, but do you really have to rub it in? I am not in favor of Alma’s senatorial run but you didn't have to humiliate her. Next time, try to be a gracious host. Your tone is very antagonistic.”

Read: Vivian Velez accuses Karen Davila of humiliating Alma Moreno in Headstart interview

“I HAVE TO STAND IN FOR WHAT I BELIEVE IN…” Kagabi, November 20, may bagong Facebook post si Vivian na nagulat dahil naging viral ang kanyang post.

Pauna niyang banat, “I just found out that my comment regarding Ms Alma and KD gone viral.

“It was posted private for my friends but then someone copy and posted it for public.

"I have to stand up for what I believe in, even when I know I'll hear people making hateful comments.

“But do I really care? NO!!! I'm so much aware that Internet provides the perfect forum for cyberbullies, just as much as in talk-show landscape.

“Somebody has to be courageous enough to actually stand up to, you know, the bullies.”

A LITTLE BIT OF COMPASSION. Sabi pa ni Vivian, sana man lang daw ay nagkaroon ng kaunting pang-unawa o concern ang TV host dahil mababanaag naman daw sa pananalita ni Alma na nahihirapan na siyang magpaliwanag sa mga isyung itinatanong niya.

Dagdag pa nito, “But could KD be faulted for being a keen manipulator who took advantage of her mastery of the medium? Yes and No...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For all of its advantages, it is something of a double-edged sword.

"Ang sa akin lang, Alma said 'nahihirapan na siya' short of saying, please give me some chance here.

“Pero wow, tinira pa rin nang tinira. I'm only asking for a little bit of COMPASSION here. It's not about work, but just plain being human.”

Sa naturang panayam ni Karen kay Alma, may mga katanungan ito sa United Nationalist Alliance (UNA) senatorial aspirant tungkol sa mga isyung pambansa na maari niyang mabigyang pansin sakaling palarin sa 2016 elections.

Tila hindi masyadong naintindihan ng chairperson ng Philippine Councilor’s League (PCL) ang mga usapin tungkol sa Reproductive Health Bill (RH Bill), Bangsamoro Basic Law (BBL), at iba pang national issues kaya naging mali-mali ang mga sagot nito.

Read: Senatoriable Alma Moreno ANC interview with Karen Davila goes viral; believes same-sex marriage is a sin

Dahil sa naturang panayam, na-bash nang husto ng netizens si Alma na inamin namang labis siyang nasaktan sa dami ng panlalait na natanggap.

Read: Alma Moreno hurt by bashing over ANC interview with Karen Davila



“NO ONE CAN DEFINE ME…” Sa huli, wala naman daw makakapigil kay Vivian na maglabas ng kanyang opinion basta kanya itong pinaniniwalaan kahit na makarinig pa siya ng pangungutya.

Sabi pa niya, “And in order for some people to insult me, I must first value your opinion. No one can define me or tell me who I am."

“I'm not afraid in taking risks especially in something I believe in.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN