Davao Mayor Rodrigo Duterte announces bid for presidency in 2016

"Basta ako, on the table 'yan. I am running for president because I am so disappointed and sad sa ruling na 'yan," says Davao Mayor Rodrigo Durterte, referring to the Senate Electoral Tribunal's (SET) decision to junk the disqualification complaint filed against Senator Grace Poe.


Pormal nang idineklara ni Davao Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang pagkandidato bilang presidente sa 2016 elections.

Taliwas ito sa makailang beses nitong pahayag na wala siyang interes na kumandidato bilang pangulo, at gusto na niya umanong magretiro sa pulitika.

Read: Mayor Rodrigo Duterte dashes hope of solid supporters: "I want to retire. I am tired."


Mayor Rodrigo Duterte dashes hope of solid supporters: "I want to retire. I am tired."

Read more at: http://www.pep.ph/news/58888/mayor-rodrigo-duterte-dashes-hope-of-solid-supporters-i-want-to-retire-i-am-tired
Follow Us: @PEPalerts on Twitter and Instagram | PEP.ph on Facebook

Inihayag ni Duterte na nagbago ang kanyang isip dahil sa desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) na ibasura ang reklamong diskwalipikasyon laban kay Senator Grace Poe, na tatakbong presidente sa 2016.

Pahayag ni Duterte, "Basta ako, on the table 'yan. I am running for president because I am so disappointed and sad sa ruling na 'yan."

Ang deklarasyong ito ay base sa panayam ng GMA News kay Duterte sa isang pribadong birthday party sa Dasmariñas, Cavite, kagabi, November 21.

Dagdag ng alkalde, “Grace can run for governor, mayor.

"I am willing to vacate my position. Bigay ko sa kanya.

"Pero 'wag yung presidente."

Nauna nang kinuwestiyon ni Duterte ang pagdeklara ng SET kay Poe bilang “natural born Filipino,” lalo pa't wala umanong kasiguraduhan kung siya ay tunay na Pilipino at hindi pa rin matukoy ang biological parents ng senadora.

Iginiit din ni Duterte na ang usapin tungkol sa citizenship ni Poe ay dapat ituring na “legal issue” at hindi pulitikal.

Read: Davao City Mayor Rodrigo Duterte dismayed with SET's decision on Sen. Grace Poe disqualification case

Paliwanag ni Duterte, na dating abugado at government prosecutor, "You cheapen the presidency.

“It's important for everybody. You don't cheapen it by the interpretation of a treaty.

“In the first place, we're not a signatory.

“Second, it's a presumption so you have a presumptive citizen running the affairs of government.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, mahirap 'yan.”

SET'S DECISION. Ibinasura ang reklamong diskwalipikasyon sa pagtakbo ni Poe sa pagkapangulo noong November 17, matapos ideklara ng five out of nine members ng SET na “natural-born Filipino” ang senadora.

Kabilang sa mga senador na bumoto na “natural-born Filipino” si Poe ay sina Loren Legarda, Vicente “Tito” Sotto III, Bam Aquino, Pia Cayetano, at Cynthia Villar.

Sina Associate Justices Antonio Carpio, Teresita Leonardo-De Castro at Arturo Brion, at Senator Nancy Binay naman ay tutol sa naturang desisyon ng SET.

Minsan nang sinabi ni Carpio na maituturing na natural-born Filipino si Poe kung mapapatunayan niyang Pilipino ang isa man lang sa kanyang biological parents.

Ngunit negatibo ang resulta ng DNA test na isinagawa ni Poe at dalawang hindi pinangalanang prospective relatives ng senadora nitong unang linggo ng Nobyembre.


"PRE-PLANNED" POLITICAL MOVE? Sa kabilang banda, pinabulanaan ni Duterte ang espekulasyong "pre-planned" ang pagkandidato ni Martin Diño bilang presidente ng PDP-Laban.

Matatandaang inantabayanan ang paghain ni Duterte ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagkapangulo hanggang sa huling oras ng filing nito sa Commission on Elections (COMELEC) noong October 16.

Ngunit binigo ng alkalde ang mga tagasuporta nang ihayag niyang hindi niya umano inambisyon ang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Sa huling sandali, ang kapartido ni Duterte na si Diño ang naghain ng kanyang COC bilang presidente, bagay na binawi rin niya noong Oktubre.

Nasundan pa ito ng paghikayat ng PDP-Laban kay Duterte na maging standard bearer ng kanilang partido sa 2016 elections.

Read: Martin Diño withdraws bid for presidency; names Davao Mayor Rodrigo Duterte as substitute

Paglilinaw ni Duterte, “Hindi, kasi they were frantic.

"They thought they can convince me, and time limit was 5 o'clock.

“Everybody was thinking I was around and sinabi sumakay ako sa eroplano, so yung paghabol yun sa oras on that day."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Duterte, wala umanong alam ang PDP-Laban hinggil sa pahayag niyang handa na siyang kumandidato bilang presidente nang makapanayam siya ng media sa isang pribadong event kagabi.

Inaasahang maghahain si Duterte ng kanyang COC para sa pagkapangulo bago ang deadline ng final list of electoral candidates sa December 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN