Mayor Rodrigo Duterte files COC for president

Mayor Rodrigo Duterte files COC for president through legal counsel Salvador Medialdea today, November 27.


Pormal nang naghain si Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) ngayong Biyernes, November 27.

Ang abugado ni Duterte na si Salvador Medialdea ang naghain ng COC para sa alkalde tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila.

Kalakip nito ang certificate of nomination ng PDP-Laban kay Mayor Duterte bilang substitute presidential candidate kapalit ni Martin Diño.

Read: Martin Diño withdraws bid for presidency; names Davao Mayor Rodrigo Duterte as substitute

Ayon sa ulat ng GMA News Online, bandang 11:50 A.M. nang maghain si Atty. Medialdea ng kandidatura ni Mayor Duterte bilang pangulo sa 2016 elections.

Bago ito ay pormal na inatras ni Mayor Duterte ang kanyang COC bilang reelectionist sa Comelec regional office sa Davao.

Kasama niya ang anak na si Sara Duterte na naghain ng kanyang COC bilang substitute candidate sa pagka-alkalde sa Davao.

Matatandaang makailang-beses pinabulaanan ni Mayor Duterte na plano niyang tumakbo bilang pangulo sa 2016 elections.

Ngunit bigla umanong nagbago ang isip ng alkalde matapos madismaya sa resulta ng reklamong kinahaharap ni Senator Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal (SET).

Read: Rodrigo Duterte announces bid for presidency

Si Senator Poe ang isa sa mga presidential aspirants sa 2016 elections, at siyang nangunguna sa presidential preference survey ng Pulse Asia noong September.

Ilan pa sa makakatapat ni Mayor Duterte sa 2016 elections ay sina former Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, Vice President Jejomar Binay, at Senator Miriam Defensor-Santiago.

MESSAGE FROM MAYOR DUTERTE'S DAUGHTER. Samantala, nagbahagi si Sara ng kanyang saloobin hinggil sa pagsali ng kanyang ama sa presidential race sa 2016 elections, sa pamamagitan ng isang Instagram post ngayong araw.

Kalakip nito ang pahayag ni Mayor Duterte na nagsasabing: “We do not have the money to run a campaign.

“If you want anti-criminality and anti-corruption, invest in your country, not on me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito ay umapela si Sara sa kanyang Instagram followers na suportahan si Mayor Duterte sa pagtakbo nito para sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Aniya, “Ang matulong niyo po ay siguraduhin na bumoto ng Duterte sa araw ng halalan, pacencya na at wala kami kakayanan na gumastos para umikot at magkampanya at personal na hingin ang suporta ninyo. Salamat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN