Mayor Rodrigo Duterte vows to pay P1,000 for every use of cuss words

Mayor Rodrigo Duterte (middle) on meeting with Archbishop Valles (second to the left): “I was admonished and lectured on Christian Values and in return, I told them that I would lessen my use of cuss words.”


Inamin ni presidential aspirant at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakatikim siya ng sermon mula kay Archbishop Romulo Valles nang magkita sila sa Bishop's Palace sa Davao kahapon, December 4.

Kaugnay ito ng pagmumura ng 70-year-old mayor kay Pope Francis dahil sa matinding traffic situation na idinulot ng pagbisita ng Santo Papa sa Pilipinas noong January 2015.

READ: Mayor Rodrigo Duterte owns up to cursing Pope Francis in his speech

Pahayag ni Mayor Duterte, base sa kanyang Facebook status kagabi (published as is): “I visited and talked with Archbishop Romulo Valles and Bishop George Rimando, together with Monsignor Paul Cuison and my Executive Assistant Bong Go.

“I was admonished and lectured on Christian Values and in return, I told them that I would lessen my use of cuss words.”

Bukod dito ay nangako si Mayor Duterte na hangga't maaari ay iiwasan niyang gumamit ng bulgar na salita.

Aniya, “I am even regulating myself and will donate P1,000 to Caritas Davao everytime I would swear.

“I am also planning to visit the Vatican soon.

“It was a good meeting and I would like to thank my friends in the Church for their time.”

HARD HABIT TO BREAK? Pero bago pa man siya makaalis ng Bishop's Palace, ayunman, hindi sinasadyang napamura uli si Mayor Duterte.

Ito ay matapos siyang hingan ng reaksiyon hinggil sa patutsada ni President Benigno “Noynoy” Aquino III laban sa isang presidential candidate na “marami raw hong tila papatayin” na kriminal sa oras na maluklok bilang pangulo.

READ: 30 confessions, quotes, anecdotes from Mayor Duterte

Nangingiting pahayag ni Mayor Duterte, base sa ulat ng Saksi kagabi, “Pag di ko pinatay p******** babahain tayo ng kriminal.”

Nang humirit ang isang reporter na kailangan niyang magbayad ng P1,000, nagtatakang saad ng alkalde, “Bakit anong sinabi ko?”

Bahagya pang natahimik si Mayor Duterte nang paalalahanan tungkol sa kanyang pangakong babawasan niya ang pagmumura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ay naiiling na sinabi ng alkalde, “Hindi na ako magkukuwento.”

STILL A ROMAN CATHOLIC. Inihayag din ni Mayor Duterte na nanatili siyang miyembro ng Simbahang Katoliko at mataas ang respeto niyo sa mga pari.

Ito ay sa kabila umano ng naranasan niyang pagmomolestiya sa kamay ng isang pari noong siya ay first year college sa Ateneo De Davao University.

At tanging kay Archbishop Valles sinabi umano ni Mayor Duterte kung sino ang hindi pinangalanang pari na diumano'y nang-molestiya sa kanya.

Napag-alaman ng alkalde na pumanaw na ang tinutukoy niyang pari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN