Comelec junks petition to declare Martin Diño as nuisance candidate

Comelec Second Division has resolved that the petition to declare Martin Diño as nuisance candidate is "moot and academic" since he already withdrew his candidacy.


Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang petisyong ideklara ang orihinal na standard bearer ng PDP-Laban na si Martin Diño bilang nuisance candidate.

Maituturing umanong “moot and academic” ang naturang petisyon matapos iatras ni Diño ang kanyang kandidatura bilang pangulo sa 2016 elections.

Kasabay nito ay pinayagan ng Comelec ang mosyon ni Diño na kanselahin ang kanyang inihaing certificate of candidacy noong October 16.

Si Diño ay dating barangay captain sa Quezon City at ama ng aktres na si Liza Diño, na siya namang partner ng singer-actress na si Aiza Seguerra.

MAYOR DUTERTE AS PDP-LABAN'S STANDARD BEARER. Matatandaang pinangalanan ni Diño si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang substitute presidential candidate noong October 29.

Read: Martin Diño withdraws bid for presidency; names Davao Mayor Rodrigo Duterte as substitute

Bago ito ay nagpasa ng resolusyon ang PDP-Laban kung saan napagkasunduan nilang si Mayor Duterte ang tatayong standard bearer ng kanilang partido sakaling umatras si Diño.

Read: PDP-Laban announces Mayor Rodrigo Duterte as substitute presidential bet in case Martin Diño backs out


Pormal na nilunsad si Mayor Duterte bilang standard bearer ng PDP-Laban noong November 30.

Pinangunahan na rin ng alkalde ang isang pagtitipon ng kanyang mga tagasuporta sa Taguig City noong November 29.

Read: 30 confessions, quotes, anecdotes from Duterte

Gayunman, wala pa umanong resolusyon ang Comelec hinggil sa hiwalay na disqualification petition na kinahaharap ng alkalde.

Nakatakdang magkaroon ng pagdinig ang Comelec hinggil dito sa December 16.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN