KC Concepcion on rumored reconciliation with Paulo Avelino: “There's no truth to that.”

KC Concepcion squelches rumors that she has reconciled with Paulo Avelino: “Paulo and I probably have a special connection that won’t ever disappear. Sabi nga namin, parang kahit na ano ang mangyari sa buhay naming dalawa, nandun tayo for each other.”


Nasa U.S. noon si KC Concepcion nang pumutok ang balita na nagkabalikan na raw sila ng ex-boyfriend na si Paulo Avelino.

Sa interview kasi sa aktor sa pocket presscon ng On The Wings of Love ay inamin nito na bukas na uli ang komunikasyon nila ni KC. Dahil dito, marami ang may espekulasyon na maaaring nagkabalikan na ang dalawa.

Read: Paulo Avelino confirms he and KC Concepcion are on speaking terms again

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay KC sa nakaraang Kapamilya ThankYou for the Love: The 2015 ABS CBN Christmas Special nung Martes, December 8, sa Smart-Araneta Coliseum, agad namang nilinaw ng aktres na walang balikan na naganap sa kanila ni Paulo, pero aminado siya na may espesyal na kuneksyon sa kanilang dalawa na hindi na mawawala.

“No, there’s no truth to that.

“Paulo and I probably have a special connection that won’t ever disappear.

“Sabi nga namin, parang kahit na ano ang mangyari sa buhay naming dalawa, nandun tayo for each other. Puprotektahan ko siya and I think it's the same for him, that he will always protect me."



SETTLES RIFT WITH MOM. Pinag-usapan naman nang husto sa showbiz ang naging tampuhan din sa pagitan ng mag-inang KC at Sharon Cuneta.

Ngayong naayos na kung anuman ang 'di nila napagkaunawaan, mas bukas na ang komunikasyon sa pagitan nila kung sakaling magkaroon muli ng problema o 'di pagkakaintindihan.

Sabi niya, “Good. My mom and I are really good.

“Our communication lines are open.

“Parang after ng lahat, parang sabi ko, 'Mom, we have a time in our lives na 'di na puwede na 'pag may tampuhan, 'di na mag-uusap. Mag-uusap tayo, 'di ba?'

“And I love her so much. She knows that. We all love her and we want her to be happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We want the best for her and we want to do our best kung ano ang puwede naming gawin para maging mas masaya pa siya at kami bilang pamilya.”



MAKING PEACE WITH PIOLO. Isa rin sa magandang pangyayari na labis na ikinatuwa ng ina niya ay ang pakikipagbati nito sa ex ni KC na si Piolo Pascual sa nakaraang kaarawan ng presidente ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio. Ayon naman kay KC, isa ito sa mga bagay na ipinagdasal niya.

Read: Piolo Pascual, Sharon Cuneta savor their kiss-and-make-up moment

“I was there, very personal but I’m at peace, I’m very happy that it finally happened.

“Time truly heals wounds. Pinagpe-pray ko rin yun, pinagpi-pray din ni Piolo yun, I’m sure, and there was just some glue that brought us together. I was very happy for that moment,” pagpapasalamat niya.

Samantala, pinag-usapan din sa nakaraang ABS-CBN Christmas Special ang pagsasama muli nina KC at Piolo sa iisang stage. Naging tampulan pa ng tukso ang paghalik ni Piolo sa pisngi ng ex.

Sinubukan naming kunan ng reaksyon tungkol dito si KC pero umiwas itong sumagot.


CHRISTMAS WITH FAMILY. Dahil nalalapit na ang Kapaskuhan, isang simpleng selebrasyon ang nasa isip ni KC kasama ang pamilya.

Pahayag niya, “I’ll spend it with my family, mayroon kaming farm dito sa may Tagaytay.

“So yung family namin—me, my mom, my stepdad, my sisters, and of course, mga kapamilya ko sa papa’s side. Mayroon din akong time for them na maghahanda lang ako sa bahay.”


GRATEFUL FOR BLESSINGS IN 2015. Nang tanungin kung paano ilalarawan ang itinakbo ng 2015 para sa kanya, sagot ni KC ay taon ito ng maraming pagbabago sa buhay niya.

Ayon pa kay KC, “Ang 2015 sa akin ay parang transitional year.

“Parang dun nangyari lahat ng changes, parang nag-level up ako in different ways, like na-promote ako sa UN World Youth program kaya pabiyahe-biyahe din ako ng New York, L.A. at dito sa Mindanao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo naging maganda ang experience ko internationally. Pero I’m always thankful na ABS is here na parang sinasabihan ko kung ano ang nangyayari sa buhay ko.

“Of course, I will always be a Kapamilya.

“[The ABS-CBN] Christmas special has been part of our lives for so long at 'di ko ma-imagine yung buhay ko na 'di na makasama sa Christmas special ng ABS kasi dito na ako lumaki.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN