Albert Martinez feels bad JM de Guzman loses second chance at making go of career

Albert Martinez on JM de Guzman: "Being candid about it, I felt bad kasi number one, he's young. Number two, hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganung opportunity, ng second chance. Number three, he's very talented. Nakita ko yung sarili ko sa kanya, e, kung gaano siya mag-focus sa trabaho, mag-pursige, kung gaano niya mahalin [ang trabaho niya]."


Nanghihinayang si Albert Martinez sa dati niyang co-star sa All of Me na si JM de Guzman, ang original male lead ng nasabing afternoon soap ng ABS-CBN.

Dahil sa personal issues ni JM, kay Albert na nasentro ang istorya ng All of Me.

READ: JM de Guzman pulled from TV show and MMFF movie?

Pahayag ng veteran actor tungkol kay JM, “Being candid about it, I felt bad. I really felt so bad.

"Kasi, number one, he’s young.

“Number two, hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganung klaseng opportunity, ng second chance.

“Number three, he’s very talented.

"Nakita ko yung sarili ko sa kanya, e, kung gaano siya mag-focus sa trabaho, magpursige, kung gaano niya mahalin [ang trabaho niya].

“Tapos, dumating sa ganoong situation.

"Pero parang nadurog din yung puso ko sa nangyari sa kanya."

Matatandaang nagkaroon ng “problema” si JM habang ginagawa niya ang Angelito: Batang Ama. Pero dahil mahusay siyang aktor, binigyan siya ng second chance ng Kapamilya network via All of Me.

Pero muling bumalik si JM sa kanyang personal issues.

Read: JM de Guzman admits to being "bipolar"; says, "I lost control with myself again."

Hangad ni Albert na makabalik si JM sa All of Me.

“And I’m still hoping na sana, kung sasabihin nila [ABS-CBN management], ‘O, balik na!’ I will give it back to him [JM’s role ni All Of Me].

"Because deserving siya, e. I mean, wala akong maisip na ibang taong gagawa nun except him.

“Dahil ibig sabihin, ganun niya kagaling hinandle yung character.”

Wala raw komunikasyon sina Albert at JM.

Ayon kay Albert, “Ang communication lang namin was during sa taping, sa set. Other than that, wala.”

Nasaan na si JM ngayon?

"Iyang part na ‘yan, honestly, I have no idea. Wala akong balita kung ano.

“But I’m hoping na, hopefully, maka-recover siya, kung anuman yung pinagdadaanan niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CAREER HIGHLIGHT. Samantala, inamin ni Albert na hindi niya akalaing mae-extend ang kanyang acting career ngayong 54 years old na siya.

Lahad ng aktor, “So far, I’m enjoying it.

"And kumbaga, sa experience ko, ito na yung pinaka naging one of the highlights of my career, especially at my age. I’m 54.

“Parang hindi ko na-imagine na mangyayari sa akin ito.

"And to be honest with you, when I turned 50, I have really decided to, not really throw in the towel, but to accept much, much older roles.

“But with the blessings, I dunno, nagkaroon tayo ng extension ng career.

"Binigyan tayo ng ABS ng younger leading ladies.

“We started with Bea Alonzo [sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon].

"And now, to my surprise, much younger naman, which is si Yen [Santos].

“And yun ang mga magandang nangyari.

“I don’t know how to call it, pero [an] after-50 career, we call it back to back.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Albert sa Back2Back presscon niya noong Biyenes, December 11, sa B Hotel, Quezon City.

Back-to-back na napapanood si Albert sa dalawang ABS-CBN drama series ngayon—All Of Me at Ang Probinsyano.

Ginagampanan ni Albert ang papel ng bidang si Manuel Figueras sa All Of Me, kung saan nagbalik ang aktor sa pagiging matinee idol niya.

Siya naman si Tomas "Papa Toms" Tuazon sa Ang Probinsyano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN