Talent still seeks "justice" over complaint against director Cathy Garcia

"We never told the talent supplier that we are not pursuing this complaint anymore," says Rossellyn Domingo (not in photo) about their complaint against Forevemore director Cathy Garcia-Molina (in photo).


Umaasa ang mga nagrereklamong talents ng dating ABS-CBN primetime series na Forevermore na maresolba na ang reklamo nila laban sa direktor na si Cathy Garcia-Molina.

Sa press statement ng ABS-CBN na lumabas kahapon, January 5, nilinaw ng Kapamilya network na agad silang umaksiyon sa reklamo nina Rossellyn Domingo at Alvin Campomanes laban kay Direk Cathy, na nagpahiya at nagmura raw sa kanila sa set ng Forevemore noong 2014.

Ayon sa ABS-CBN, agad humiling ang management ng meeting kina Campomanes at Domingo, sa pamamagitan ng MTQ Promotions and Talent Management, nang makarating sa kanila ang reklamo ni Campomanes laban sa direktor.

Ang MTQ, isang talent supplier, ang kumuha ng serbisyo ng magkasintahang sina Domingo at Campomanes upang lumabas bilang bit players sa Forevermore.

Read: Talents relate humiliation they suffered from director Cathy Garcia on Forevermore set

Subalit, ayon sa ABS-CBN, sinabihan daw sila ng MTQ na hindi na kailangan ng meeting dahil naayos na raw ang reklamo ng dalawa.

Read: ABS-CBN "in communication" with talents to resolve complaint against director Cathy Garcia

Ikinatuwa ni Domingo ang pahayag ng ABS-CBN kaugnay ng kanilang reklamo.

Pahayag niya sa kanyang Facebook account, "I am glad that the network did not deny her foul behavior."

Gayunman, iginiit ni Domingo na hindi totoo ang sinabi ng talent supplier na naayos na ang reklamo nila ng kanyang boyfriend laban kay Direk Cathy.

"It is true that the network executives promised immediate action.

"We asked for updates, but after a few exchanges of emails, we were no longer informed.

"We never told the talent supplier that we are not pursuing this complaint anymore."

Dagdag pa ni Domingo, "She said she was going to suspend John Leonardo [talent coordinator].

"But how will we even know if it is true that he was suspended?

??What about the apology of the other offenders?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit pa ng talent, "The mistake of the network is that it failed to verify whether the issue had been dealt with satisfactorily and justly."

Sa huling bahagi ng kanyang post, sinabi ni Domingo na makikipag-meeting siya at si Campomanes sa ABS-CBN representatives at Forevermore team.

"May justice be served," asam niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN