Talent reacts to Cathy Garcia's interview: "Maling-mali ang pahayag na 'pagmumura lang' ang kanyang ginawa."

Alvin Campomanes on dialogue with ABS-CBN on the issue: "The dialogue with ABS-CBN yesterday ended well. It was cordial, enlightening, and sincere. I am posting a final statement on the issue soon."


May ilang punto na nilinaw si Alvin Campomanes kaugnay ng naging pahayag ng film and TV director na si Cathy Garcia-Molina sa panayam nito kay Boy Abunda sa web exclusive ng ABS-CBN Entertainment sa kanilang YouTube account.

Read: Direk Cathy Garcia-Molina: "I am sorry to all who I offended."

Nagsimula ang isyung ito nang maglabas ng open letter ang girlfriend ni Alvin na si Rossellyn Domingo, isang talent sa dating ABS-CBN primetime drama na Forevermore, tungkol sa pagmumura at pagpapahiya diumano ng kilalang direktor sa kanila ni Alvin.

Lumabas ang open letter na ito sa Facebook noong December 31, 2015.

Si Rossellyn ay gumanap bilang si Celia sa Forevermore, ang teleseryeng pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil; habang ang boyfriend naman nitong si Alvin ay ang pansamantalang pumalit sa aktor na gaganap sana bilang Makoy.

Kaugnay ng kanyang paghingi ng tawad, inamin ni Direk Cathy ang kanyang mga pagkakamali sa pangyayaring ito.

Ngunit ilang bagay raw ang nais sanang linawin ni Direk Cathy tungkol sa isyung dito, kabilang na kung bakit ngayon lang ito lumabas matapos ang kanyang pelikulang A Second Chance.

Read: Cathy Garcia-Molina: "I may have my mistakes, but I am not an evil person."

ALVIN ANSWERS BACK. Sa kanyang Facebook post kahapon, January 15, sumagot si Alvin matapos mapanood ang panayam ni Direk Cathy.

Pitong punto ang nilinaw ni Alvin sa kanyang Facebook post; kabilang na rito ay hindi lang daw basta "pagmumura lang" ang ginawa ng direktor at pagpapahiya ang tawag sa ginawa nito.

Ang unang bahagi ng post ni Alvin: "1. Hindi maaring ihiwalay ang karakter sa taong gumaganap nito. Ang pagpapahiya sa isang tao ay tatatak sa kanyang pagkatao, hindi lamang sa ginagampanan niyang papel sa set.

"Alam ito ng mga talent at crew na namura na at napahiya. Sabi nga ng isang matandang talent na nagpadala ng mensahe sa akin, dala nila ang sakit hanggang pagtanda dahil hindi nila nagawang tumindig at lumaban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maling-mali ang pahayag na 'pagmumura lang' ang kanyang ginawa. Halimbawa, nang sigawan niya ako ng 'alam mo, ikaw, inutil ka!' at hinayaan niyang pinagtawanan ako sa set, hindi ba pagpapahiya ang tawag doon?

"Nakita ko kung paano niyang sawayin ang pagtawa ng crew kapag artista ang nagkakamali sa pagbigkas ng kanyang linya. Dagdag pa, para sa akin, di hamak na mas malaki ang impact sa lipunan ng aking propesyon kaya labis akong nasaktan.

"2. Taliwas sa kanyang sinabi, ang pinakamaraming beses na nagkamali ako ay dalawa hanggang tatlong beses. Puro blocking lang ang naging pagkakamali ko na napakadali sanang itama kung maayos lang ang pagbibigay ng instruction.

"Hindi naman mahina ang ulo ko para umunawa ng simpleng instruction, lalo na kung blocking lang ito.

"Ang aking tanong, bakit hindi siya bastos sa 'malalaking' artista?

"3. Bagamat maayos ang pagtatanong ni Boy Abunda, may mga detalye ang open letter na halatang mahirap gawan ng tanong dahil sa implikasyon nito hindi lamang sa network kundi sa buong industriya.

"4. Ang pagpapalitaw ni Cathy Garcia Molina ng anggulo na natatakot siya sa kanyang seguridad, sa aking palagay, ay kalkulado para kunin ang simpatya ng tao.

"Sa aming dalawa, sino kaya ang mas lantad sa panganib? Ni wala akong kotse at sumasakay lang ako sa jeep sa pagpasok at paglabas sa UP. Tahasang sinabi sa akin ng isang prominenteng abogado na mapanganib ang aking ginagawang paglaban, na maari ko itong ikamatay."

USING SOCIAL MEDIA. Sa huling bahagi ng kanyang post, nilinaw muli ni Alvin na sa social media nila naisip ilabas ang isyu dahil mahigit isang taon na silang naghihintay ng aksyon mula sa ABS-CBN tungkol dito.

Isa pang bagay na nilinaw rin ni Alvin ay kaya nila itinaon na tapos na ang Forevermore at ang pelikula ni Direk Cathy na A Second Chance ay upang hindi na maisip ng nakararami na ito'y publicity lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang karugtong ng post ni Alvin: "5. Bakit inilabas ang sulat sa social media? Lampas sa isang taon kaming naghintay ng hustisya mula sa ABS-CBN. Oktubre 2014 pa ang orihinal na complaint.

"Ang tanging hiningi namin noon ay pagharapin kami, pahingiin sila ng paumanhin at patawan sila ng disciplinary action.

"Nakailang palitan kami ng email nina Cory Vidanes at Lauren Dyogi, pareho silang nangako ng agarang aksyon ngunit walang nangyari. Maari rin nating itanong, kung ito kaya ay hindi naging viral, umaksyon pa kaya ang network? Malamang hindi na.

"6. Hindi lamang kami ang nasaktan sa kanilang ginawa sa amin. Hindi ba nasaktan ang aming pamilya? Halimbawa, sa akin, hindi ba nasaktan rin ang mga dati kong estudyante at mga kaibigan, lalo na ang mga kapwa ko guro?

"7. Bakit lumabas ang sulat pagkatapos ng Forevermore at A Second Chance? Delicadeza. Nasagot na ito sa open letter. Sa kabila ng kaapihang dinanas namin, pinili namin na huwag ilabas ang sulat noong tumatakbo pa ang teleserye at nasa mga sinehan pa ang pelikula upang hindi masabi ng network na ito'y paninira lamang o propaganda.

"Nakailang request ng interview ang iba't ibang network sa amin pero wala kaming pinaunlakan kahit isa. Ayaw naming gamitin ng mga karibal na network ang isyu laban sa ABS-CBN. Ito ba'y hindi pa rin nila kayang ipagpasalamat?"

Ngayong umaga ko lamang napanood ang interview ni Boy Abunda kay Cathy Garcia Molina. Narito ang aking reaksyon sa...

Posted by Alvin Campomanes on? Friday, January 15, 2016

IN TALKS WITH ABS-CBN. Kaninang umaga, kinumpirma ni Alvin sa kanyang Facebook na nakausap na niya ang mga taga-ABS-CBN kahapon, January 16, tungkol sa isyu.

Base sa kanyang status, tila naging maganda naman ang kinahantungan ng pag-uusap.

Ang buong Facebook status ni Alvin: "The dialogue with ABS-CBN yesterday ended well. It was cordial, enlightening, and sincere. I am posting a final statement on the issue soon."

The dialogue with ABS-CBN yesterday ended well. It was cordial, enlightening, and sincere. I am posting a final statement on the issue soon.

Posted by Alvin Campomanes on? Saturday, January 16, 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN