Enrique Gil and Liza Soberano defend director Cathy Garcia-Molina on cursing incident

Dinepensahan nina Enrique Gil at Liza Soberano ang kanilang director sa dating seryeng Forevermore laban sa akusasyon ng mga dating ekstra ng kanilang palabas na hindi lang daw nila naintindihan ang istilo ng pagdi-direk nito. Ito daw minsan ay paraan upang mas mapabuti pa ang pag-arte nila bilang artista.


Ipinagtataka nina Enrique Gil at Liza Soberano kung bakit ngayon lang lumabas ang talents na sina Alvin Campomanes at Rosellyn Domingo upang magreklamo laban sa direktor na si Cathy Garcia-Molina.

Inakusahan nina Alvin at Rossellyn si Direk Cathy ng pagmumura at panghihiya diumano sa kanila sa taping ng dating ABS-CBN primetime series na Forevermore, na pinagbidahan nina Enrique at Liza.

Lagpas isang taon na raw kasi nangyari ang naturang insidente at ngayon lang nag-ingay ang naturang talents sa kanilang dating palabas.

Umere ang Forevermore mula October 2014 hanggang May 2015.

Read: Talents relate humiliation they suffered from director Cathy Garcia on Forevermore set

Nakausap ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) sina Enrique at Liza sa launching nila bilang bagong ambassadors ng Coke, na ginanap kagabi, January 21, sa Rigodon Ballroom ng Manila Peninsula Hotel, Makati City.

WHY NOW? Sa panayam ng PEP sa tambalang LizQuen, inusisa namain kung ano ang masasabi nila sa isyung pagmumura sa set ni Direk Cathy, na siyang sentro ng reklamo nina Alvin at Rosellyn.

Pahayag ni Enrique, “Alam mo minsan talaga… kasi ang tagal na nun, minsan may mga situations na mahirap intindihin pag hindi... wala ka dun.

“Hindi mo alam kung ano talaga ang nangyari.

"So, of course, people who just hear of what happened, they judge.

"Pero yung mga tao na nandun talaga, who understand how stressful sa taping, kung ano talaga ang circumstances that happened that day.

“And that was like a year ago, tapos ngayon lang lumabas.

"So, para sa akin, it's more than a year, so para sa akin, hindi ko alam kung anong gusto.”

Ayon naman kay Liza, ”Also the guy o whoever doesn’t really know Direk Cathy.

"Kasi, for me, I worked with her multiple times already so I knew Direk Cathy as a person.

“He [Alvin] didn’t get the whole joke that was going on between our set that Direk Cathy would use.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Enrique, minsan daw talaga ay nangyayari ang mga ganung insidente upang mapabuti pa lalo ang pag-arte ng mga artista.

Sabi ng Kapamilya young actor, “Yung ibang tao, ganun na talaga, how they handle stuff.

"Kami nga, mas grabe pa minsan… mas grabe pa ang ginagawa sa amin, but that’s how she helps you.”

Singit ni Liza, “And it’s nothing, really.

"After the scene, when the scene is cut, she comes up to us and hugs us, ‘Very good, anak.’ Ganun siya."

Dagdag pa ni Enrique, “So, you know, baka hindi lang talaga niya kilala si Direk Cathy.

"And it was more than a year after. Saka lang lumabas.

"So, para sa akin, parang dapat hindi na problema yun, e.

"Well, I don’t know, maybe people…”

Pagkatapos ng ilang linggo na pinag-uusapan ang isyu, humarap si Direk Cathy kay Boy Abunda para sa isang exclusive interview. Dito ay humingi siya ng paumanhin sa mga maaaring nasaktan niya.

Read: Direk Cathy Garcia-Molina: "I am sorry to all who I offended."

HURTING. Ngayon, kasama muli nina Enrique at Liza si Direk Cathy para sa upcoming primetime series nila sa ABS-CBN na Dolce Amore.

Ayon sa dalawa, napapansin nila sa set na labis na naapektuhan si Direk Cathy sa pangyayari, lalo na noong nadamay na raw ang mga anak at ang yumao nitong asawa sa kontrobersiya.

Sabi ni Liza, “She’s really affected because parang the person [bashers] went too low and very personal, idinamay pati yung asawa niya.”

Pagsang-ayon ni Enrique, “Oo, na-affect siya because of her kids.

"She just came out from the hospital, she had an injury in her spinal, pero she’s doing fine.

“So, sa mga taong namba-bash, para sa akin, okay lang, kasi minsan hindi naman namin talaga… si Direk Cathy doesn’t really mind, e, [huwag lang idamay ang pamilya].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, they’re just wasting your time so pahinga na lang po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN