Xian Lim thankful to Vilma Santos and Angel Locsin for defending him from critics

Xian Lim says that he feels overwhelmed after finishing the shooting of his new movie Everything About Her, despite the issue surrounding that his co-star Gov. Vilma Santos walked out from the set. He is also thankful to Vilma and Angel Locsin for defending him from critics.


Overwhelmed si Xian Lim nang matapos na nila ang huling shooting days ng pelikulang Everything About Her, kasama sina Angel Locsin at Batangas Governor Vilma Santos.

January 27 ang showing ng pelikula subalit ang huling two shooting days nila ay nangyari lang nitong January 19-20.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Xian ang naging shooting ng pelikula, at masaya nitong ibinahagi kung paano nila natapos ang kanilang shooting.

Ito’y sa kabila ng isyung pagwu-walk out ni Vilma sa set noong Martes, January 19.

Read: PEP EXCLUSIVE. Joyce Bernal clarifies Vilma Santos walkout on Everything About Her shooting

Hindi man nabanggit ng PEP kay Xian ang nangyaring insidente, sinabi niyang masaya nilang natapos ang pelikula.

Lahad ni Xian, “Kasi itong past two days, dumiretso kami [sa pagsu-shooting], so overwhelmed lang talaga sa set kasi parang wow!

“Para sa akin, it felt like a very long time.

"Pero dito sa pelikula na ito, talagang pagkatapos noon, proud na proud kami, lalo na kay Tita Vilma.

“Parang, ‘Wow!’ Sigawan kaming lahat, nagsasayaw pa nga kami! May sayawan pang naganap kagabi.

“Parang sabi namin, ‘Kaya pa ba kasi late na late na.’

“Pero pagkatapos noon, we’re so proud of that movie.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa solo blogcon na inihanda para sa kanya ng Star Cinema kahapon, January 21.

EMOTIONAL XIAN. Natanong si Xian tungkol sa pagiging emosyunal nito sa grand press conference ng pelikula noong Linggo, January 17.

Ito ay matapos siyang ipagtanggol nina Vilma at Angel sa mga kritisismong natatanggap niya sa kanyang pag-arte.

Read: Xian Lim admits being hurt by negative issues, criticisms about his acting

Sinabi ni Xian na kaya siya naiyak ay dahil hindi niya inakalang makukuha niya ang mga ganoong papuri mula sa mga established actors na sina Vilma at Angel.

“Yung mga sinabi nila sa akin, sinabi po nila, kasi hindi po kami nag-uusap ng tungkol po sa ganun kapersonal sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po namin napag-uusapan yun, yung tungkol sa mga nababasa nila tungkol sa akin.

“Tapos, iyon nga, when Miss Vilma Santos spoke up about the negative issues, parang hindi ko lang talaga inakala.”

Malaki rin daw ang pasasalamat ni Xian dahil nabigyan pa rin siya ng oportunidad na makagawa ng magandang pelikula sa kabila ng mga isyung ipinupukol sa kanya.

Saad pa niya, “Habang ginagawa ko itong pelikulang ito, every day, nagpapasalamat nga ako.

“Tapos noong tinanong ako ni Kuya Ogie [Diaz] kung anong pakiramdam ko.

“Doon na parang, paano ko ba sasabihin ang thank you ko, and bigla na lang akong nanginig.

“Tapos sabi ko [sa sarili ko], ‘Huwag, huwag, huwag kang manginig!”

Dagdag pa niya, “Iyon nga, noong nagpasalamat ako sa Star Cinema despite everything that happened.

“Iyon, e. Wow, after everything, meron pa palang ganito.

“And ngayong matatapos na kami, ang dami kong natutunan, isang napakagandang regalo para sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN