James Reid no comment on On The Wings Of Love sexy dance controversy

Ayon kay James Reid, nalulungkot na sila sa nalalapit na pagtatapos ng On The Wings Of Love, pero aminado siyang ibang journey ang kanilang pinagdaanan sa serye. Nakatakda rin silang magkaroon ni Nadine Lustre ng world tour pagkatapos ng kanilang palabas sa Pebrero.


"ABS-CBN has already released [a statement]."

Ito ang tugon ni James Reid nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa uminit na usapan ilang araw na ang nakaraan tungkol sa January 11 episode ng On The Wings of Love (OTWOL) kunsaan nag-perform siya ng sexy dance habang nakasuot ng police uniform.

(Screen Grab from On The Wings Of Love)

Hindi nakalagpas ang eksenang ito sa ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) lalo na ang PNP-PCRG (Philippine Community Relations Group).

Sana daw ay nirespeto ng pamunuan ng produksiyon ang uniporme ng mga pulis dahil may batas daw ukol sa tamang pagsusuot dito.
ABS-CBN APOLOGY. Kaagad na nga ring humingi ng paumanhin ang Kapamilya Network sa mga miyembro ng kapulisan at sinabi nitong walang intensiyon ang pamunuuan ng programa na dungisan ang imahe ng kanilang hanay.
Narito ang kabuuan ng kanilang statement:

"On the Wings of Love would like to apologize for a short scene that aired last Monday (January 11), which unfortunately showed the main character Clark dancing as a policeman for Leah in her bridal shower.

"The program has called the attention of its production team and assures the public that there was no intention to disrespect the sanctity of the Philippine National Police (PNP) uniform.

"We do not want to jeopardize our good relations with the PNP and will make sure that it will not happen again."

Read: On the Wings of Love apologizes to PNP for James Reid's police uniform in bridal-shower scene

MTRCB PROBE. Nakarating na Rin sa pamunuan ng Movie and Television Review and Classification Board ang mga naging batikos sa naturang episode kaya naman ipinatawag nila ang pamunuan ng OTWOL para sa isang pagpupulong ukol sa naturang isyu, bukas Lunes, January 25.

Ayon sa MTRCB, "We refer to the above-captioned episode of the subject program, currently showing over Channel 2, ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The said episode portrayed actor James Reid doing a strip tease while wearing a PNP General Office uniform, allegedly with a police badge and showing the rank of SPO4.

"According to a statement by PNP Spokesperson CSupt Wilben Mayor on or about 14 January 2016, '[t]he PNP uniform is sacred to policemen and police women' and the strip tease scene of [Mr.] Reid xxx did not properly reflect a policeman's duty to enforce the law and assist citizens.

"We gather that the network concerned recently issued an 'apology.'

"However, the purported apology was in general terms, and did not specify what concrete and measurable steps that the program as well as the nenvork will take to prevent any repeat of the incident.

"For this reason, our Agency is impelled to call the parties concerned to a dialogue, c/o the Office of the Chairperson, on 25 January 2016, 9:30 a.m., MTRCB Ground Floor Conference Room.

"Considering the public interest involved, the said is intrasferrable."

Kabilang sa mga ipinatawag ay sina ABS-CBN business unit heads Kylie Manalo-Balagtas at Julie Ann Benitez, On The Wings of Love director Antoinette Jadaone, executive producer Arnel Nacario at head writer Benedict Mique. Imbitado rin sa pulong si PNP Spokesperson Wilben Mayor.
NEW ENDORSEMENT. Wala ng iba pang ibinigay na paliwanag si James ukol dito.

Nakausap ng PEP si James sa grand launch ng bagong ad campaign ng Coke na "Taste The Feeling" noong gabi ng Huwebes, January 21, sa Rigodon Ballroom ng Manila Peninsula Hotel, Makati City.

Isa si James sa mga inilunsad na bagong endorsers ng naturang soda brand.

UPCOMING PROJECTS. Sa Pebrero na nakatakdang magtapos ang isa sa pinakasikat na serye sa ABS-CBN, ang OTWOL.

Ano pa nga ba ang aabangan ng mga JaDine—ang mga fans nina James at Nadine Lustre—sa kanila ngayong taon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot nito, ''Of course the finale of On The Wings Of Love which is bittersweet. Happy ending but it's kinda sad because it's over.

"It's a fun journey. But also we have a world tour, from east to west, London, Milan, Dubai, Toronto, Las Vegas, Los Angeles. It's gonna be a lot of fun.

"I'm currently working on an album, a solo album. Also a new movie with Nadine, coming out this summer.

"I've posted a couple of snippets on my Instagram, very RnB, hip-hop, nervous but excited.

"Actually, the whole time I've been making this on the side, so it was really my first love, making music."

Ano ba ang dream project niya? Ani James, "Action movies and to drop my killer hot album."

WHAT TO LEAVE BEHIND IN 2015? Punung-puno ng intriga ang taong 2015 sa binata. Halos bawat kilos nito ay napupuna at nabibigyan ng kulay.

Kaya naman, ano nga ba ang nais niyang sana ay hindi na mangyari ngayong 2016?

Lahad niya, "Yeah hopefully, all the issues. Well, I mean I can't help it. I mean, I'm always gonna be me, so just hopefully"

Anong issue ang labis na naapektuhan siya noong nakaraang taon? Tugon niya, "It doesn't really faze me. I have the way? I just don't deal with it."

Samantala, tampok naman ang tambalang JaDine sa February cover ng YES! Magazine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN