Roderick Paulate insists he did nothing wrong amidst dismissal from office

Actor-politician Roderick Paulate on his dismissal for supposedly hiring 'ghost employees': "Mga bashers na hindi ako kilala kaya ganun reaction nila."


Iginiit ni Roderick Paulate na wala siyang ginagawang masama kaugnay ng pagkaka-dismiss niya bilang konsehal ng Quezon City, base sa hatol na ibinaba ng Office of the Ombudsman noong nakaraang linggo.

Kaugnay ito ng diumano’y pagha-hire ng “ghost employees” ng dating konsehal noong 2010.

Guilty ang hatol ng Office of the Ombudsman kay Roderick at tatlo pang opisyal dahil sa kasong falsification of official documents, serious dishonesty, at grave misconduct.

Read: Roderick Paulate, 3 other QC officials dismissed from office for hiring "ghost employees"

Kamakalawa, isang tagasuporta ni Roderick ang nagkomento at nagbigay ng suporta sa pulitiko at nagsabing ipagdadasal niya na malampasan ng actor-politician ang isyu.

Sumagot naman si Roderick at idiniing wala siyang ginagawang masama; bashers lang daw ang nanghuhusga sa kanya.

Aniya: “God will make a way at the right time. He will never forsake us nor leave us for HE knows I did no wrong. Mga bashers na hindi ako kilala kaya ganun reaction nila.”

 

Sa isa pang post ni Roderick, may isang netizen ang nagsabing minsan niyang nakita ang actor-politician na bumaba sa kanyang sasakyan sa isang madilim na lugar upang mag-abot ng pagkain sa mga mahihirap.

Papuri pa ng netizen, walang pagkakakilanlan ang sasakyang dala ni Roderick at walang bitbit na media.

Nagpasalamat dito si Roderick at sinabing sinsero siya sa kanyang pagtulong at walang halong pulitika.

Una nang nagkomento si Roderick sa kanyang Instagram account noong nakaraang linggo at sinabing pinapalaki lamang ng ilang mga tao ang isyu at hindi talaga naiintindihan ng mga ito ang pangyayari.

Read: Roderick Paulate speaks up on his dismissal from office: "God is just! He knows the truth."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN