Anne Curtis becomes tight-lipped about Snapchat video of Jasmine and Erwan

Anne Curtis assures everything is okay between her, sister Jasmine Curtis, and boyfriend Erwan Heussaff.


Tiniyak ni Anne Curtis na walang problema sa pagitan niya, kapatid na si Jasmine Curtis-Smith, at boyfriend na si Erwan Heussaff sa kabila ng naging kontrobersiyal na Snapchat video nina Jasmine at Erwan.

Hindi na pinaunlakan ni Anne ang anumang tanong tungkiol dito sa ginanap na press launch ng Century Tuna Superbods 2016 kagabi, January 27.

Pero paniniguro ng Kapamilya star, "Just so you know, we're all okay. We're all good."

Matatandaang iba ang naging pakahulugan ng ilang netizens sa na-delete na Snapchat video ni Jasmine kung saan makikitang magkasama sila ng boyfriend ng ate niya.

Read: (UPDATED) Jasmine Curtis-Smith deletes Snapchat 'playful' video with Erwan Heussaff

Agad namang dinepensahan ni Anne ang nakababatang kapatid sa mga taong nagbigay ng malisya sa nasabing Snapchat post.

Sa kanyang Twitter account noong gabi ng Martes, January 26, ipinakiusap niya sa publiko: “Please STOP saying awful things about my sister & boyfriend.”

Sabi pa ni Anne, “We took down posts because so many people reacted maliciously to them automatically and we didn't want all of this to happen. Case in point.

“Nothing happened, we are all fine. I'm lucky that Erwan treats Jasmine like his own sister. He has known her since she was 13.

Read: Anne Curtis: "Stop saying awful things about my sister and boyfriend."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN