OTWOL apologizes again to PNP for James Reid's striptease scene

Humingi ulit ng paumanhin ang pamunuan ng ABS-CBN, Dreamscape, at On The Wings Of Love sa hanay ng Philippine National Police (PNP) dahil sa bridal shower scene ng show noong January 11 episodem kung saan nagsayaw si James Reid bilang Clark sa harap ni Nadine Lustre bilang Leah. Nakasuot si James ng police uniform na ikinagalit ng mga miyembro ng PNP.


Muling humingi ng dispensa ang pamunuan ng Dreamscape, isa sa drama groups ng ABS-CBN, sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa episode ng On The Wings Of Love ngayong gabi, February 1.

Bago pa man ang opening billboard (OBB) ng show, isang title card na sinaliwan ng voice-over ang ipinakita.

Nakasaad dito: “Mula po sa pamunuan ng On The Wings Of Love, Dreamscape, at ABS-CBN, kami ay humihingi ng taus-pusong paumanhin sa mga miyembro at pamunuaan ng Philippine National Police (PNP) para sa eksena noong January 11, 2016 episode ng On The Wings Of Love kung saan ang karakter ni Clark ay ipinakitang nagsayaw sa bridal shower ni Leah habang nakasuot ng uniporme ng pulis.

“Hindi po layunin ng programa na sirain ang imahe o di kaya’y saktan ang damdamin ng mga pulis at ng kanilang pamilya.

“Kasalukuyan kaming gumagawa ng mga hakbang upang ito’y hindi na mangyari muli.

“Tutulong po kami sa pagtaguyod ng positibong paglalarawan ng ating Pambansang Pulisya at kung kailangan, aktibong makikipag-ugnayan sa ganang ito sa Public Information Office (PIO) at Police Community Relations Group (PCRG) ng PNP.”

Pirmado ang naturang sulat ni Reicel “Jojo” Saguin, director, Dreamscape, ABS-CBN.

Kaugnay nito, sa unang eksena ng episode ngayong gabi, ipinakita ang eksenang kunyari ay napagalitan ng isang pulis si Clark (James Reid) at mga barkada nito dahil sa dala nilang uniporme ng pulis.

Ipinaliwanag ng isang pulis na bawal ang pagsusuot ng kanilang uniporme ng hindi naman alagad ng batas at may kaakibat itong parusa.

Humingi ng paumanhin si Clark at pinatawad naman sila ng pulis.

Nauna nang humingi ng dispensa ang ABS-CBN sa pamunuan ng PNP matapos magreklamo ang mga ito sa pamamagitan ng Twitter dahil sa January 11 episode ng OTWOL.

Read: On the Wings of Love apologizes to PNP for James Reid's police uniform in bridal-shower scene

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakarating na rin ito sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at nagkaroon na sila ng pagpupulong kasama ang ABS-CBN management noong January 25.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James nitong mga nakaraang araw, ayaw na niyang magkomento tungkol dito.

Read: James Reid no comment on On The Wings Of Love sexy dance controversy


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN