Ai-Ai delas Alas puts an end to MMFF 2015 box-office issue

Ai-Ai delas Alas on her past statement about the MMFF 23015 box-office issue: "I admit naman na emosyunal ako. And siguro, hindi ko na rin yun dapat sinabi. Di ba, tayo naman ay may kanya-kanyang opinion? And siguro nga ay hindi lang nagkaintindihan."


Para kay Ai-Ai delas Alas, tapos na ang anumang naging isyu sa pagitan niya at ng mga dating kasamahan at katrabaho niya sa ABS-CBN at Star Cinema.

Nagsimula ang isyung ito nang magdeklara ang Star Cinema at Films na ang entry nilang Beauty and the Bestie ang topgrosser sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF), bagamat pang official announcement ang MMFF at ang mga namamahala rito.

Kinontra naman ito ni Ai-Ai, isa sa mga bida ng MMFF entry na My Bebe Love #KiligPaMore, at sinabing ang pelikula nila ang tunay na number one.

Read: Ai-Ai delas Alas refutes Star Cinema's No. 1 claim in the MMFF box-office race

Hindi nagustuhan ng ilang taga-Star Cinema ang mga nasabi ng Kapuso comedienne, kung kaya’t sa pamamagitan ng Twitter ay pinaringgan siya ng mga ito.

Read: Star Cinema rep hits back at Ai-Ai delas Alas over MMFF box-office issue

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa presscon ng upcoming movie niyang AREA (Magkera Ka, Magkanu?) ng BG Productions, na ginanap sa The New Horizon Hotel, sa Boni Avenue, Mandaluyong City, kahapon, February 4, ay nagbigay siya ng kanyang saloobin tungkol sa isyung ito.

Bungad niya, “Sabi ko naman, lahat 'yan opi-opinyon lang.

“Nagkataon na yun ang opinyon ko, at hindi nila nagustuhan.

“E, ang tao lang naman, kung ano ang reaksiyon mo, sa reaksiyon nila.

“Ako siyempre, of course, andun naman yung utang na loob ko sa ABS [CBN], never namang mawawala yun.

“Alam niyo naman yun, in every interview ko, talaga namang andun yung… talagang hindi puwedeng wala yung utang na loob ko sa ABS, di ba?

“Kahit naman na years na lang na itinagal ko sa ABS, fourteen years ako sa ABS, napakaimposibleng wala akong utang na loob.

“Fourteen years akong nanuluyan sa bahay na yun, imposibleng wala yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa ng Philippine Queen of Comedy, “So, ganun lang ang naging reaksiyon, pero ang lahat naman ay lilipas din.

“Hindi naman ako nagbabasa, pero may mga nasasabi sila sa akin, deadma na lang.

“Lahat naman 'yan ay lilipas din.

“At may mga bagay na siguro ay hindi nagkakaintindihan sa gusto kong iparating, hindi ko rin siguro sila naiintindihan.

“But then, lahat ito ay lilipas din.

“Lahat kami ay may pinagsamahan, so darating din yung panahon na magkikita din kami mismo.”

STILL FRIENDS. Sa puntong ito ay pinatunayan ni Ai-Ai na magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon ni Vice Ganda, isa sa mga bida ng Beauty and the Bestie.

Hindi raw naapektuhan ang kanilang pagkakaibigan dahil sa MMFF issue.

Saad ni Ai-Ai, “Textmate kami nun. At saka friend kami ni Vice.

“Wala... wala.

“Kahit naman dun sa iba, hindi lang siguro nila ako naintindihan sa nasabi ko.

“I admit naman na emosyunal ako.

“And siguro, hindi ko na rin yun dapat sinabi.

“Di ba, tayo naman ay may kanya-kanyang opinion?

“And siguro nga ay hindi lang nagkaintindihan.”

Kahit naman daw si Ai-Ai ay gusto rin niyang magkabati-bati na sila.

“Magkikita-kita naman kami ng mga 'yan.

“Ayoko nang magsalita, ang hirap naman kasing magsalita.”

WELCOME 2016. Sa kabilang banda, natutuwa si Ai-Ai na maganda ang pasok sa kanya ng taong 2016 at maayos namang nagtapos ang 2015, kung ang pag-uusapan ay ang tungkol sa kanyang career.

Aniya, “Heto, praise God at naka-bounce back, thank you.

“Ganun naman ang buhay—down, up, up, then down.

“Basta habang may buhay, may pag-asa, totoo yun.

“Heto nga dito sa AREA, sino ang mag-aakalang lead ako bilang isang masyondang [matandang] pokpok?

“Kaya nga ang peg ko rito ay ang idolo kong si Ms. Vilma Santos.

“Remember, yung ginawa niyang Tagos Ng Dugo at Miss X, ganun na ganun ang gusto kong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga sobrang idol ko si Gov. Vi, kasi keri niya lahat kahit mag-madre pa siya [sa Sister Stella L].

“Pasalamat talaga ako kay Baby Go [film producer] dahil pinagkatiwalaan niya ako, at sana magka-international award ako dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN