Jasmine Curtis-Smith not affected by hurtful comments about Snapchat video with Erwan Heussaff

Hindi raw apektado ang relasyon nina Jasmine Curtis-Smith at Anne Curtis dahil sa viral Snapchat video nila ni Erwan Heussaff. Sabi ng TV5 star, "At the end of the day, you can't avoid that there are cultural differences, there are people who might just don't understand the relationship that the three of us have. So I can't blame them, I guess."


Diretsahang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine Curtis-Smith tungkol sa Snapchat video niya kasama si Erwan Heussaff, ang boyfriend ng kanyang kapatid na si Anne Curtis.

Naging viral kasi ito sa social media dalawang linggo na ang nakararaan ngunit binura rin ito kaagad ng TV5 star.

Kaugnay nito, pinutakti ng masasakit na salita si Jasmine mula sa bashers.

Read: Jasmine Curtis-Smith deletes Snapchat 'playful' video with Erwan Heussaff

Ano ang masasabi ni Jasmine na ginawan ng malisya ng ilang netizens ang naturang video nila ni Erwan?

Sagot niya, “Ewan ko ba... actually, hindi ako nasaktan. More than anything, nagulat lang the way people reacted.

“But, at the end of the day, you can’t avoid that there are cultural differences, there are people who might just don’t understand the relationship that the three of us have.

“So I can’t blame them, I guess.

“I can’t see what they can see but, at the same time, they don’t know us personally.

“We’ve been that way ever since they’ve [Erwan and Anne] been dating.

“So it’s not that biglaan lang na may na-develop na ganun na closeness between us.”

Hindi rin daw naapektuhan ang relasyon nila ni Erwan at nilang magkapatid dahil sa nangyari.

Ayon kay Jasmine, “Between the three of us, it was never been an issue.

“The fact na naging malaking issue siya sa ibang tao or sa public, parang… well, unavoidable naman talaga. Yun lang.”

Nakausap ng PEP at ilang miyembro ng media si Jasmine sa grand presscon ng Ang Panday ngayong Martes, February 9.

Isa si Jasmine sa leading ladies ng bidang si Richard Gutierrez sa bagong TV adaptation ng Ang Panday, na mapapanood sa Kapatid network simula February 29.

HURTFUL. Aminado si Jasmine na masasakit ang mga salitang ibinabato sa kanya, pero hindi raw ito dahilan upang maapektuhan siya personally at ang kanyang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hurtful, hurtful, yes, but I don’t know them personally, they don’t know me personally.

“So I don’t let it affect me.

“And yun, like what I said, the relationship between the three of us has always been that way...

“Pero hindi naman nila talaga alam kung paano yung dynamics namin.”

Hindi rin daw niya ito iniyakan.

“No, actually, hindi talaga ako affected sa issue.

“More than anything siguro, kinukuwestiyon ko lang paano yung ganun… yung mga isip ng mga tao.”

Pinagtawanan din lang daw ito nina Erwan at Anne.

Sabi ni Jasmine, “Natawa lang din siya [Erwan]. Si Ate, natawa lang din.

“Yun nga, people don’t understand the dynamics of what actually happened.

“And with a screenshot, not the entire video taken, it can be interpreted in so many ways.

“So I can’t blame people for it.”

Matatandaang ipinagtanggol na rin si Jasmine ng kanyang kapatid at ina dahil sa lumalaking isyu.

Read: Anne Curtis: 'Stop saying awful things about my sister and boyfriend.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN