Aljur Abrenica on celebs' video and photo scandals: "Patawarin natin sila at intindihin..."

Aljur Abrenica on celebs' nude photos/videos: "Nagkataon na mga celebrities kaya pinagpipiyestahan. Wala namang may gusto niyan."


Nagbigay ng kanyang opinyon si Aljur Abrenica sa sunud-sunod na pagsulpot ng video at photo scandals ng ilang artista nitong mga nakaraang linggo.

Sa bakuran ng Kapuso network, inamin ni Martin del Rosario sa eksklusibo nitong panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na siya ang lalaki sa nude photo na kumalat sa Internet.

Read: Martin del Rosario admits viral nude photo scandal: 'Oo, ako 'yan.'

May video scandals din diumano sina Kiko Estrada at Jeric Gonzales, subalit pareho itong itinanggi ng dalawang aktor.

Read: Kapuso stars Kiko Estrada and Jeric Gonzales react to their alleged video scandals

Maliban sa kanila ay nasangkot din sa ganitong klase ng eskandalo ang Kapamilya stars na sina Joross Gamboa at Jason Abalos at ang Kapatid star na si Mark Neumann. Wala pa silang pahayag tungkol dito.

Pahayag ni Aljur sa exclusive interview sa kanya ng PEP, “Sa totoo lang, I’m not in the right place, kasi wala ako sa scandal.

“Pero ang naaano ko lang is, wala namang may gusto niyan, e.

“Kahit sinong naging part ng scandal, mga private activities lang ‘yan na naibulgar lang.

“Nagkataon na mga celebrities kaya pinagpipiyestahan. Wala namang may gusto niyan.

“Ang sa akin lang, hindi natin alam, baka mamaya, di ba, kahit sino, kahit ako, puwede akong magkaroon ng ganyan.”

Ang ibig sabihin ng Kapuso actor, kahit sino ay maaaring maging biktima ng ganitong klaseng kontrobersiya.

Nang tuksuhin si Aljur kung may nude video ba siya, sagot niya: “Wala naman.

“Kasi, ang ibig kong sabihin, wala namang may gusto niyan, e, na may gustong lumabas.

“E, lumabas.

“Ako, ang masasabi ko lang, yung mga taong ‘yan, kahit mga celebrity, mga sikat, mga tao rin ‘yan, may mga buhay rin ang mga ‘yan.

“Take natin ‘yan as a lesson at patawarin na rin natin sila at intindihin na rin sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi mismo sila, hindi rin nila gusto ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN