Angelica Panganiban, John Lloyd Cruz exchange messages on Instagram

Angelica and John Lloyd exchange light banter on Instagram weeks after their reported breakup.


Ilang linggo makalipas pumutok ang balitang hiwalay na sila, tila nanumbalik ang positibong komunikasyon sa pagitan ng dating magkasintahang sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.

Sa kanyang Instagram post noong February 15, ibinahagi ni Angelica ang larawan ng isang wooden table na may nakapatong na iba’t ibang collector’s items.

May kalakip itong maiksing caption na nagsasabing "Galing! [Heart emoticon]."

Sa comments thread ng naturang post, isang Instagram user na may handle name na @privateidan ang nagpadala ng mensahe kay Angel.

Sabi ni @privateidan patungkol sa post ni Angelica: "Huh? Anong magaling dyan? Kaw talaga. Labo mo. [wink emoticon] @iamangelicap"

Sinagot ni Angelica ang comment ni @privateidan: "@privateidan blending [thumbs up] zleef"

Agad itong napansin ng followers ni Angelica, at pinaniniwalaang si John Lloyd ang may handle name na @privateidan.

Lalo pa't kilala si John Lloyd na mahilig mag-collect ng paintings at art objects.

Ito ay sa kabila ng kaalamang low-profile si John Lloyd pagdating sa pagkakaroon ng social media accounts.

Ang kilalang private Instagram account ni John Lloyd ay ang handle name na @idan_cruz.

Ayon pa sa isang avid fan ng dating magkasintahan, pinaniniwalaang kuha ang Instagram post ni Angelica sa mismong bahay ng aktor.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na nanatiling tikom ang bibig nina John Lloyd at Angelica noong kasagsagan ng kontrobersiyang nagtapos na ang kanilang mahigit tatlong taong relasyon.

Ito ay sa kabila ng mga ulat kung saan kinumpirma ng ilang sources ang tungkol dito.

Kasabay ito ng balitang nagkakamabutihan na diumano si John Lloyd at A Second Chance leading lady niyang si Bea Alonzo.

Read: John Lloyd Cruz, Bea Alonzo love affair: from reel to real?

Ngunit base sa isang ulat noong February 17, mariing pinabulaanan ni John Lloyd ang balitang may relasyon sila ni Bea.

Read: John Lloyd Cruz speaks up on alleged relationship with Bea Alonzo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasundan ito ng balitang kinumpirma umano ni John Lloyd sa TV Patrol anchor na si Ted Failon na tinuldukan na nila ni Angelica ang kanilang relasyon.

Read: John Lloyd Cruz confirms breakup with Angelica Panganiban


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN