John Lloyd Cruz-Bea Alonzo love affair: from reel to real?

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang diumano'y namumuong relasyon sa totoong buhay nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Ito ay kasunod na rin ng pagkumpirma ni Zanjoe Marudo na hiwalay na nga sila ni Bea kahit hindi ito nagbigay ng dahilan kung bakit nila tinuldukan ang halos limang taon na nilang relasyon.

 


Lalong lumakas ang usap-usapang may ugnayan na diumano sa totoong buhay ang magka-love team na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo pagkatapos aminin ni Zanjoe Marudo na hiwalay na sila ng aktres.

Kinumpirma ng Kapamilya actor na tinuldukan na nila ni Bea ang halos limang taon nilang relasyon sa live interview niya sa Tonight With Boy Abunda noong January 20.

Hindi nagbigay ng detalye si Zanjoe kung bakit tinapos nila ang kanilang relasyon at kung kailan ito nangyari.

Read: Zanjoe Marudo confirms breakup with long-time girlfriend Bea Alonzo

Nitong Linggo, January 24, umugong naman ang balitang tuwiran nang tinuldukan nina John Lloyd at Angelica ang kanilang relasyon.

Nitong nakaraang January 16 lang daw ito nangyari, ayon sa radio host at showbiz scribe na si Ogie Diaz.

Sa report ng ABS-CBN online, sinabi ritong kahit hiwalay na, nananatili raw magkaibigan ang dalawa.

Ngunit ayon din kay Ogie, sinabi rin ng kanyang source na hindi nililigawan ni John Lloyd si Bea at sila'y magkaibigan lamang.

Read: John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban called it quits, says source

Pero bakit hindi pa rin matigil-tigil ang usap-usapan at bulung-bulungang may espesyal nang ugnayan sina John Lloyd at Bea?

Narito ang paghimay-himay ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kontrobersiyang ito.

ZANJOE-BEA, LLOYDIE-ANGELICA. Marso ng taong 2011 opisyal na inihayag nina Bea at Zanjoe na may namamagitan sa kanila.

Sa kabilang banda, hindi malinaw kung kailan nagsimula ang relasyon ni John Lloyd sa aktres na si Angelica Panganiban.

Ngunit ayon sa veteran entertainment columnist na si Ricky Lo, noong September 2012 pa nagsimula ang ugnayan ng box-office star na si John Lloyd at ang premyadong aktres na si Angelica.

Noong 2015 kasi ay nag-celebrate ang dalawang Kapamilya stars ng kanilang third anniversary bilang magkasintahan.

Parehong nabalot sa kontrobersiya ang relasyon nina Bea at Zanjoe at nina John Lloyd at Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

June 2015, napabalitang papunta na raw sa hiwalayan ang relasyong John Lloyd at Angelica.

Tatlong linggo na raw hindi nag-uusap ang dalawa nung panahong iyon.

Taong 2014, nagkaroon din daw ng matinding away ang dalawa ngunit naayos naman nila ito.

Read: Angelica Panganiban denies split with John Lloyd Cruz

Sa panig naman nina Bea at Zanjoe, taong 2013 unang lumabas ang isyung hiwalay na sila. Dalawang taon pa lang ang relasyon nila noon.

Pahayag ni Bea sa isang panayam, hindi sila nag-cool off ng nobyo at solido raw ang kanilang relasyon.

Read: Bea Alonzo quells rumors she and Zanjoe Marudo are cooling off; moons her boyfriend is "a keeper... he’s real"

Taong 2014, muling napabalitang naghiwalay ang dalawa dahil may ibang babae raw si Zanjoe. Itinanggi ito ng aktor.

Read: Zanjoe Marudo denies breakup rumor with girlfriend Bea Alonzo

Noong 2015, patuloy pa ring lumulutang ang balitang hiwalay na sina Bea at Zanjoe, na itinuturing pa namang ideal couple sa showbiz.

Dito na inamin nina Bea at Zanjoe na may mga pinagdadaanan nga sila sa kanilang relasyon.

Read: Bea Alonzo admits problem in her relationship with boyfriend Zanjoe Marudo

Read: Zanjoe Marudo breaks silence on relationship problem with Bea Alonzo

LONG OVERDUE ADMISSION? Hanggang sa umamin na nga si Zanjoe na hiwalay na sila ni Bea.

Maraming netizens ang nagkomentong baka ginagamit lang ng aktor ang isyu upang i-promote ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Tubig at Langis, kasama sina Cristine Reyes at Isabelle Daza.

Ayon pa sa maraming komento sa Instagram account ni Bea, matagal na talaga silang hiwalay ni Zanjoe at publicity stunt lamang ang pagsasama nila paminsan-minsan.

Hulyo pa ng taong 2015 lumabas ang blind items na nahuli ng isang aktres ang kanyang nobyong may kasamang ibang babae.

Hindi raw matanggap ng aktres ang ginawa ng kanyang boyfriend, pero napakiusapan umano sila ng network executives na huwag munang maghiwalay dahil maaapektuhan ang career nila pareho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalaunan, pinagduduhan ng marami na sina Bea at Zanjoe ang tinutukoy sa naturang blind item.

Isa pang blind item ang kumalat na diumano, sa trip ng Banana Split sa Japan noong 2015, iba’t ibang babae raw ang iniuuwi ni Zanjoe sa kanyang hotel room pagkatapos ng taping.

Bigla raw humabol si Bea sa Japan at nahuli niyang may kasamang babae ang nobyo.

Muli, pinabulaanan ito ng dalawa.

Kalagitnan ng taong 2015, hindi na raw talaga naging maayos ang samahan ng dalawa.

Kaya naman, kanya-kanya na silang bakasyon abroad, na dati ay hindi naman.

Palagi pa nilang gamit noon ang hashtag na #bztravels para sa kanilang trips abroad, pero kalaunan ay nawala na ito sa kanilang posts.

Noon namang nakaraang Star Magic Ball 2015, may balitang napilitan lang daw sina Bea at Zanjoe na magkasamang rumampa sa red carpet alang-alang sa kani-kanilang mga career.

FROM REEL TO REAL? Agosto 2015, nagsimulang rumolyo ang mga kamera para sa A Second Chance, ang sequel ng 2007 Star Cinema box-office hit na One More Chance.

Bida sa pelikula sina John Lloyd bilang Popoy at Bea bilang Basha; idinirek pa rin ito ni Cathy Garcia-Molina.

Ayon sa ilang sources ng PEP, sa duration daw ng shooting ng nasabing pelikula naging mas malapit sa isa’t isa sina Bea at John Lloyd.

"On the rocks" na raw noong mga panahong yun ang relasyong Bea at Zanjoe, kaya naman naging "shoulder to cry on" ni Bea si John Lloyd.

Marahil sa pagkakatong yun, nakarating na rin kay Angelica ang balita, kaya sinagot nito sa social media ang mga nagkukumpara sa kanya kay Bea.

Read: Angelica Panganiban lashes out at bashers for pitting her against Bea Alonzo

Pero kalaunan, nilinaw ni Angelica na wala silang anumang sigalot ni Bea.

Ipinalabas ang A Second Chance noong November 25, at naging matagumpay ito sa takilya. Ayon na rin sa Star Cinema, umabot daw sa halos kalahating bilyong piso ang kinita nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit puna ng ilang netizens, bakit iisa lang ang post ni Angelica sa kanyang Intagram tungkol sa A Second Chance.

Nitong nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015, kung saan bahagi ng festival si John Lloyd via Honor Thy Father, ay sangkatutak ang posts ni Angelica sa kanyang social media account.

Samantala, marami naman ang nagulat sa isa sa pinakahuling post ni Angelica sa Instagram kung saan bagong gupit siya.

Kasabihan kasi, kapag may pinagdadaanan ang isang babae ay nagpapagupit ito o kaya ay nag-iiba ng ayos ng buhok.

FROM OUR SOURCES. Kaugnay ng balitang may namumuo na raw relasyon sina John Lloyd at Bea, nagtanung-tanong ang PEP sa ilang showbiz insiders sa nalalaman nila sa isyu.

Ayon sa mga nakausap namin, sina John Lloyd at Bea na nga raw.

Ngunit nagiging maingat daw ang dalawa dahil maselan ang sitwasyong kinasusuungan nila.

Isa pang taga-ABS-CBN ang nagsabi sa PEP na noong kinunan daw ang Christmas station ID ng istasyon, aksidenteng nakita ng isang TV host na halos magkalapat ang mga kamay nina John Lloyd at Bea.

May nagsabi ring nakita ang dalawa na nagsusubuan ng pagkain.

May mga nakapagsabi pang sweet na sweet sina John Lloyd at Bea sa loob ng eroplanong sinakyan nila patungong Japan nitong Enero para sa kanilang "One Kapamilya Go" show.

Isa namang source ang nagsabing “very depressed” daw si Angelica, at gusto nang mag-quit sa showbiz at manirahan na lamang sa Amerika.

Hanggang ngayon, wala pang tuwirang kumpirmasyon o pagtanggi sina Bea at John Lloyd tungkol sa napapabalita nilang relasyon.

Samantala, dumarami ang namba-bash kay Bea sa kanyang Instagram dahil, parang lumalabas, inagaw niya si John Lloyd kay Angelica.

Anim na ang naging nobya ni John Lloyd mula sa showbiz: Kaye Abad, Ciara Sotto, Liz Uy (stylist to the stars), Shaina Magdayao, Ruffa Gutierrez, at si Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kung totoo nga ang balita, pampito si Bea sa naging girlfriend ni John Lloyd na taga-showbiz.

Pansin ng ilan, karamihan sa kanila ay nag-o-overlap sa isa.

Bukas ang PEP sa pahayag ng lahat ng mga taong nabanggit sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN