Diego Loyzaga breaks silence on alleged altercation incident at high-end bar

Diego Loyzaga uploaded this photo with Sofia Andres and Julian Estrada on his Instagram account. The photo was taken at the party of Julian's brother in Emar Suites at Shaw Blvd, Mandaluyong City, on Saturday night, March 12, hours before the alleged altercation incident happened at Palace Pool Club.


Nagbigay ng maiksing pahayag ang Kapamilya young actor na si Diego Loyzaga kaugnay ng pagkakasangkot diumano niya sa isang altercation incident sa Palace Pool Club, sa Bonifacio Global City, nitong Linggo ng madaling-araw, March 13.

Isa ang anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga sa itinuturo ng magkapatid na Wilmer Paolo at Wilmer Angelo Lopez na kabilang sa grupo ng nambugbog sa kanila bandang 4:30 A.M. nitong nakaraang Linggo.

Read: (UPDATED) Diego Loyzaga allegedly involved in altercation at Palace Pool Club

Sa pamamagitan ng Twitter, sinabi ni Diego na maglalabas ng statement ang kanilang kampo anumang oras mula ngayon.
"DIEGO IS A GOOD GUY." Samantala, ipinagtanggol naman ni Julian Estrada ang kaibigan at fellow Star Magic talent na si Diego sa mga huling tweet nito ngayong araw, March 14.
Si Diego at ang mga kasama nito ay nanggaling umano sa party ng kapatid ni Julian sa may Shaw Blvd., Mandaluyong City, bago tumungo sa Palace Pool Club.
Sa isang litrato na ipinost ni Diego sa Instagram, makikitang nakasama rin nito sa party ang ka-love team at rumored girlfriend na si Sofia Andres.

Happy birthday jul @julestrada lol

A photo posted by Diego Loyzaga Montano (@diegoloyzaga) on

Matapos linawin ng PEP sa hiwalay na artikulo ang tungkol dito ay nag-tweet si Julian.
Sinabi rin ng anak ni Senator Jinggoy Estrada, base sa pagkakakilala niya kay Diego, hindi nito magagawa ang ibinibintang dito dahil mabuti raw itong tao.
Isang Twitter user din na may handle name na @rvn_agustino ang nagsabing mabait si Diego nang makilala nito sa party ng kapatid ni Julian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN