Lopez brothers file complaint against actor Diego Loyzaga over mauling incident

Reklamong kriminal ang isinampa ng magkapatid na Wilmer Angelo at Wilmer Paolo Lopez laban kay Diego Loyzaga, na inakusahan nilang nambugbog sa kanila sa isang bar sa Taguig nitong Linggo, March 13.


Pormal nang naghain ng reklamo ang magkapatid na sina Wilmer Angelo at Wilmer Paolo Lopez laban sa young actor na si Diego Loyzaga, na inakusahan nilang nambugbog diumano sa kanila noong Linggo ng madaling-araw, March 13, sa The Palace Pool Club, sa Uptown Bonifacio, Taguig City.

Ayon sa ulat ng TV Patrol ng ABS-CBN, March 16, bago magsara ngayong araw ang Taguig Hall Justice, humabol ang Lopez brothers upang ihain ang reklamo nila laban kay Diego.

Kasama ng magkapatid na naghain ng reklamo ang kanilang ama na si Wilmer Lopez at ang kanilang abugado.

Isusulong daw ng magkapatid na Lopez ang kasong kriminal laban sa Star Magic talent, ngunit ayaw nilang tukuyin kung anong partikular na kaso ang isasampa nila.

Ayon kay Wilmer Paolo, ??I can??t really say much about this issue right now.

??I don??t want people to know about the complaint because I can??t answer a lot of questions.

??But, I want to leave that all to God.??

Sa unang pagkakataon, nagbigay rin ng pahayag ang ama ng dalawa.

Pinatawad na raw ni Mr. Lopez ang mga nambugbog sa mga anak pero kailangan daw may managot sa pananakit sa kanila.

??Biblically, I have forgiven them. But Biblically also, there are consequences.

??The consequences? let the court decide. Personally, I forgave them.??

Ayon naman sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN na namamahala sa career ni Diego, wala pa silang maikomento dahil hindi pa sila nakakatanggap ng kopya ng naturang reklamo.

Narito ang buong pahayag ng Star Magic:

??We have not received a copy of the complaint and cannot make any statement. Suffice to say that we have already alerted our legal counsel.??

Kagabi, March 15, nagpaunlak na ng eksklusibong panayam si Diego sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) upang linawin ang mga akusasyon laban sa kanya.

Read: PEP EXCLUSIVE (Part 1): Diego Loyzaga finally airs his side on mauling incident

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN