Cesar Montano says son Diego Loyzaga is innocent of mauling charges filed by Lopez brothers

Dinepensahan ni Cesar Montano ang anak na si Diego Loyzaga laban sa bintang ditong pasimuno diumano sa pambubugbog sa Lopez brothers na sina Wilmer Paolo at Wilmer Angelo nitong nakaraang Linggo, March 13. Ayon pa sa actor-director, "Yes, Diego was in the area where the commotion took place but definitely not part of it. He was a victim, too."


Ipinagtanggol ni Cesar Montano ang anak na si Diego Loyzaga laban sa akusasyong ito ang nagpasimuno sa nangyaring kaguluhan sa The Palace Pool Club, sa Taguig City, noong Linggo ng madaling-araw, March 13.

Read: (UPDATED) Diego Loyzaga allegedly involved in altercation at Palace Pool Club

Ayon kay Cesar, napagbintangan lamang ang anak sa pagkakabugbog sa magkapatid na sina Wilmer Angelo at Wilmer Paolo Lopez.

Sa pahayag nitong nailathala sa ABS-CBN News online ngayong Biyernes, March 18, sinabi ng 53-year-old actor na nakausap na niya ang anak at mariin nitong pinabulaanan na siya at ang kanyang mga kaibigan ang bumugbog sa Lopez brothers.

Pahayag ng actor-director, “Apparently, what happened was a small version of what we used to call back in the day, a rumble.

“The moment it ignited, sa sobrang gulo at dami ng tao, hindi mo na alam kung sino ang kakampi mo at sino kalaban mo.

“Then a few hours later, this commotion broke out where [a] Lopez brother apparently got beaten up.

“Sa sobrang dami ng tao, you cannot name names except for the actor himself, my son Diego. E, sino pa ituturo mo?

“But the truth of the matter is, from the time this rumble took off, Diego, my son, was a few meters away where Lopez being was beaten up.

“Simultaneously, Diego was trying to protect himself from being hit by flying fists coming from different directions.

“[Diego was] looking for a safe place but unfortunately, he got punched in the nose.

“And before he even knew it, Diego's face was covered with his own blood.”

Ito rin ang naging salaysay ni Diego sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong Martes, March 15.

Read: PEP EXCLUSIVE (Part 1): Diego Loyzaga finally airs his side on mauling incident

Read: PEP EXCLUSIVE (Part 2): Diego Loyzaga claims receiving death threats from Lopez camp

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEFINITELY NOT THE CULPRIT. Bilang ama, naniniwala si Cesar na biktima rin ang kanyang anak kay Teresa Loyzaga sa rambulan.

Pagpapatuloy pa nito, “Yes, Diego was in the area where the commotion took place, but definitely not part of it.

“He was a victim, too. He got injured And he has a medical certificate to prove it.

“At the end of the day, they need somebody to point their finger at and get all the blame.

“And my poor son was the most qualified because that night he was the only personality you can name and no one else.”

Nitong nakaraang Miyerkules, March 16, naghain na ng reklamong kriminal ang Lopez brothers laban kay Diego at sa iba pang sangkot sa naturang rambulan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN