Paolo Ballesteros to reunite with Jose Manalo, Wally Bayola in US concerts

Despite his reported suspension in Eat Bulaga, Paolo Ballesteros flew to the United States to join Jose Manalo and Wally Bayola for a series of concerts.


Tuloy ang ibang showbiz commitments ni Paolo Ballesteros sa gitna ng balitang suspendido ang TV host-actor sa noontime show na Eat Bulaga! sa loob ng anim na buwan.

Nakatakdang mabuo muli ang JoWaPao o ang grupong kinabibilangan nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo upang gampanan ang kanilang sikat na mga papel bilang De Explorer Sisters—hindi nga lang sa Eat Bulaga! kundi sa kanilang series of concerts abroad.

Higit sa isang linggo nang hindi napapanood si Paolo sa Kalyeserye ng Eat Bulaga, kung saan gumaganap siya bilang Lola Tidora, kasama ang dalawa pang lola na sina Lola Nidora (Wally) at Lola Tinidora (Jose).

Nitong weekend, nagparamdam si Paolo sa social media sa kabila ng pananahimik ng kanyang kampo hinggil sa isyu ng suspension, at ipinahayag na nami-miss niya ang kanyang mga tagasuporta.

Read: Paolo Ballesteros: 'I miss you too, mga Dabarkads! Woooh!'

Pero nakatakdang mabuo muli ang tatlo para sa kanilang concerts sa iba't ibang lugar sa California, USA, mula March 22-24.

Ngayong Lunes ng gabi, March 21, nag-post ng photo sa Instagram si Paolo kasama si Wally na nasa waiting lounge ng airport habang naghihintay ng flight patungong US.

Caption pa ni Paolo: “See you later mga Dabarkads sa Amerika! Wooooh!”

See you later mga dabarkads sa Amerika! Wooooh!???????? #Mishootoo

A photo posted by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Pinamagatang The Lolas of Kalyeserye Visit California, makakasama rin sa concert sina Ai-Ai delas Alas bilang Lola Babah at ang Kapuso loveteam nina Andre Paras at Barbie Forteza sa San Francisco, Los Angeles, at San Diego.

Isang photo rin ang ipinost sa GMA Pinoy TV Instagram account habang naghihintay sina Barbie, Wally, at Paolo ng kanilang flight.

Wala si Jose sa mga ipinost na pictures. Gayunpaman, sa posters ng nasabing concert ay magkakasama ang tatlong lola.

Itinuturong dahilan ng suspension kay Paolo ang pagra-rant niya sa Facebook noong March 10 dahil sa hindi diumano pag-asikaso sa kanya at mga kasamahan niya sa tinuluyang hotel para sa Ad Summit 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga balita ring umiinom diumano si Paolo sa set ng Kalyeserye pero nanahimik lang daw ang staff dahil mabait naman sa kanila ang TV host-actor.

Read: Paolo Ballesteros suspended from Eat Bulaga for six months?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN