Ahron Villena deletes his photos with Kakai Bautista on Instagram

Parehong may mga cryptic posts sina Ahron Villena at Kakai Bautista sa kani-kanilang Instagram account. Marami naman ang nakapansin na binura na ni Ahron ang mga larawan nilang dalawa ng komedyana sa kanyang IG account.


Maraming followers ng Kapamilya actor na si Ahron Villena ang nakapansing burado na ang mga larawan nila ni Kakai Bautista sa kanyang Instagram account.

Ipinagtaka ito ng #AhKai followers nina Ahron at Kakai dahil nitong nakaraang Holy Week lamang ay magkasama pa sila at ilang mga kaibigan na nagbakasyon sa Hong Kong.

Hello disneyland . 'Twas nice seeing you again ???????? #squadgoals #hongkong #disneyland #holyweek

A photo posted by Roche Ahron Villena (@ahronvillena) on

Tanong ng IG followers ni Ahron: Bakit niya binura ang mga larawan nilang dalawa ni Kakai?

Ayon sa usap-usapan, nauna raw umuwi sa Pilipinas si Kakai na mag-isa.

May nangyari bang hindi kaaya-aya sa mag-'best friend' habang nasa Hong Kong sila?

BEST OF FRIENDS. Sa kabila ng pagli-link sa kanila romantically, nilinaw nina Ahron at Kakai sa ilang interviews na magkaibigan lang sila.

Maraming netizens ang nagsasabing na-friendzone ni Ahron si Kakai. Humopia daw kasi ang komedyana maging sila sa totoong buhay.

Read: Ahron Villena friendzoned comedienne Kakai Bautista

Dahil dito, kaliwa’t kanang pamba-bash ang inabot ng dalawa sa kani-kanilang accounts sa Instagram.

Maraming masasakit na salita ang natanggap ni Kakai kaya nag-private na ito ng kanyang account.

Read: Kakai Bautista sets Instagram account to private; asks bashers, 'Are you perfect?'

“CLOSE SOME DOORS…” Kahapon, March 29, sa isang post ni Ahron sa Instagram, hindi pa rin tumitigil ang bashers sa pagkomento ng masasakit na salita laban sa kanya.

Finally home from davao. Sleep muna ako ah. See you in my dreams ???????

A photo posted by Roche Ahron Villena (@ahronvillena) on

Pero deadma lang ang aktor dito.

Ngayong Miyerkules, March 30, nag-post muli si Ahron ng larawan niya sa Instagram at may kalakip itong cryptic message:

“Close some doors. Not because of pride, incapacity or arrogance, but simply because they no longer lead to somewhere else.”

Muli, nakatanggap ng negatibong komento ang aktor mula sa ilang netizens.

Ngunit mayroon din namang nagtatanggol sa 29-year-old Kapamilya actor.

Samantala, may mga itinira pa namang group pictures si Ahron kasama si Kakai.

Waiting for the night parade(disney paint the night) #HKD #fujifilmxa2

A photo posted by Roche Ahron Villena (@ahronvillena) on

“TRY NOT TO LOOK BACK.” Sa Instagram account naman ni Kakai, kapansin-pansin din ang post niya kagabi kung saan malayo ang tingin niya habang nasa gitna ng karagatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Caption niya rito: “Try not to look back.

“Thank you Lord. Your Love is amazing, there is No greater Love than yours. Your Way is my way, because your timing is perfect and it never fails.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN