Kakai Bautista defends Ahron Villena: "He's not gay."

Kakai Bautista tells her supporters there is no reason for her not to be okay and adds that they should refrain from making her feel that it's the end of the world for her because it is not.


Dinepensehan ni Kakai Bautista ang sarili at ang kaibigang si Ahron Villena, nali-link din sa kanya ngayon.

Ito ay kasunod ng mga kaganapan matapos i-'friendzone' ni Ahron si Kakai, sa kabila ng pag-assume ng iba na may namamagitan sa kanila higit pa sa pagkakaibigan.

Pero sa kanilang interviews, sinasabi ng dalawa na magkaibigan lamang sila.

March 15 nang mag-post sa Instagram si Ahron at sa caption, malinaw niyang tinukoy na "friend/best friend" ang tingin niya sa comedienne-singer, bagay na ikinagulat ng kanilang fans na umasaang more than friends sila.

Read: Ahron Villena friendzoned comedienne Kakai Bautist

Lalo namang naintriga ang netizens nang burahin ni Ahron sa kanyang Instagram account ang mga larawan nilang magkasama ni Kakai.

Read: Ahron Villena deletes his photos with Kakai Bautista on Instagram

Samantala, sinagot ni Kakai sa kanyang social media accounts ang netizens na nagbigay ng pahayag tungkol sa kanila ni Ahron.

May isang netizen na nagmensahe sa komedyana at sinabing marami namang ibang lalaki.

Sabi ni Kakai, hindi siya naghahanap at hindi raw niya kailangan ng lalaki para sumaya.

May isang netizen naman na tinawag na 'gay" si Ahron, pero nilinaw ni Kakai na hindi bakla ang aktor.

“FYI po he's not gay,” ani Cacai.

Nakiusap din si Kakai na huwag maapektuhan ang kanyang mga tagasuporta dahil "OK" naman siya.

Sinabi naman ng netizen na lubos lang siyang naapektuhan sa nangyari sa kanila ni Ahron, kagaya ng pagbura ng aktor ng mga larawan nila sa Instagram.

Depensa ni Kakai kay Ahron: “Stop judging him because he has done something that does not agree with your norms and standards. I know him better than you do.

"God bless. Let's just all move forward and be happy.”

Naging malaman din ang tweets ni Kakai.

Aniya, walang dahilan para hindi siya maging maayos.

At sana ay tumigil na ang mga tao na parang katapusan na ng mundo para sa kanya dahil sa sinapit ng relasyon nila ni Ahron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tweet ni Kakai: “I don't have any reason not to be OK. I take pain differently from yours. So stop talking like it's gonna be the end of the world for me.”

MYSTERY GIRL. Samantala, isang PEPster ang nagpadala ng mensahe at nagtanong tungkol sa kalakip na ipinadala nitong litrato, kung saan makikita si Ahron na may kasamang babae.

Saad ng PEPster: “Hi Pep, can please someone clarify this from Ahron, if she's the one that makes his heart beating?”

Ang larawan ay screen grab ng Instagram post ng babae na naka-private.

Base sa caption at larawan, kumain sa labas at nanood ng pelikula ang dalawa.

Sa Instagram account naman ni Ahron, may posts siyang kasama ang nasabing babae.

Sa isang post ni Ahron kasama ang naturang babae 16 weeks ago, tinukoy niya ang kasama bilang "neighbour/friend."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN