Solenn Heussaff weds Nico Bolzico on May 21 in France

Solenn Heussaff and Nico Bolzico are set to get married on May 21 at the Eglise Notre Dame in Combourg, France. The details of their marriage can be read on their banns of marriage (right photo) posted on the bulletin board of Santuario de San Antonio Parish Church in Forbes Park, Makati City.


Nakatakda nang ikasal si Solenn Heussaff sa kanyang Argentinian boyfriend na si Nico Bolzico sa May 21 ngayong taon sa Eglise Notre Dame, Combourg, France.

Noong Biyernes, April 15, ay nakita ang kanilang banns of marriage na nakapaskil sa bulletin board ng Santuario de San Antonio Parish Church sa Forbes Park, Makati City.

Ang banns ay isang public announcement kung saan ipinapaalam ng simbahan ang impormasyon tungkol sa kasalang magaganap.

Naglalaman dito ang kumpletong detalye ng ikakasal gaya ng tunay at buong pangalan, address, pangalan ng kanilang mga magulang, petsa at lugar ng kanilang kasal.

Noong March ay inilabas nina Nico at Solenn ang kanilang prenup photos na ikinatuwa ng kanilang supporters.

In photos: LOOK: Solenn Heussaff and Nico Bolzico Prenup Photos

Matatandaang kumalaat noong December 2015 ang balitang ikinasal na ang dalawa sa isang simpleng Civil union sa Argentina.

Read: Solenn Heussaff and Nico Bolzico tie the knot in Argentina

Ngunit nilinaw ni Solenn na ang nangyari sa Argentina ay isang celebration of union lamang.

Read: Solenn Heussaff: No wedding, just celebration of union


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN